Ruffa Gutierrez visits other abused women in The Haven

IMAGE 0


"Pero alam mo yung pakiramdam na akala ko marami na akong pinagdaanan at akala ko grabe na yung pinagdaanan ko, pero hindi pa pala? Pag narinig mo yung mga kuwento nila, talagang grabe! So, I realized that there are people that are in worse situations than I am," says Ruffa Gutierrez about other abused women she visited in The Haven.


Matapos bumisita kamakailan ni Ruffa Gutierrez sa opisina ng Gabriela para personal na magpasalamat sa suportang ipinagkaloob sa kanya ng grupong ipinaglalaban ang karapatan at kapakanan ng mga kababaihan, ay sa The Haven naman siya dumalaw noong Martes, June 26.



Ang The Haven ay isang center for abused women and children sa Alabang, Muntinlupa na ipinatayo ng Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI) sa pamumuno ni Ms. Gina de Venecia.

"Wala roon si Manay Gina, but they're inviting me sa anniversary nila on September 30," kuwento ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Tuwang-tuwa sila [The Haven residents] nang makita nila ako. They were all clapping and they were happy.

"Pero alam mo 'yung pakiramdam na akala ko marami na akong pinagdaanan at akala ko grabe na 'yung pinagdaanan ko, pero hindi pa pala? Pag narinig mo 'yung mga kuwento nila, talagang grabe! So, I realized that there are people that are in worse situations than I am," pahayag ni Ruffa.



Nang makita niya ang mga battered women ng The Haven, na-feel niya ba na she was one of them?

"Yeah, I felt like I was one of them," mabilis na sagot ng former beauty queen. "But I felt like there's also a reason for me to be happy and to be grateful because my family is behind me.

"Actually, hindi ko masabi sa kanilang, ‘Iwanan nyo yung asawa nyo!' because they've already taken the first step in moving on. That's the reason why they're there sa The Haven, because they were able to go to the DSWD [Department of Social Welfare and Development].

"Meron sa kanilang victims of rape, victims of incest...So sabi ko, hindi ko na kailangang mag-complain pa sa buhay ko. Kasi, 'yung nga kuwento nila are even worse.

"And I just want everyone to know na it can happen to anybody. It can happen to you and you're from Payatas and it can happen to me and I've like travelled the world!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It doesn't matter. So, don't think, you know, wala silang kakampi. Nakakaawa sila lalo na 'yung mga anak nila," sambit pa ni Ruffa, na nakipaghiwalay kamakailan sa Turkong asawa niyang si Yilmaz Bektas dahil hindi na umano niya makayanan ang pananakit nito sa kanya.

Naka-relate daw si Ruffa nang makita niya ang mga kapwa niya battered women sa The Haven at tila nagbalik sa alaala niya ang mga pananakit na naranasan niya sa mga kamay ni Yilmaz.

Mukhang bigla ring sumagi sa isip niya ang sari-saring reaksiyon ng publiko sa nangyari sa kanya, kabilang na 'yung mga hanggang ngayon ay nagdududa pa rin kung siya nga ay tunay na biktima ng domestic violence at physical abuse.

"Some people kasi cannot understand 'yung nangyari noon sa akin na sinasabi nila, ‘Ay, binugbog na pala siya ng fifteen hours, nagkaroon na pala ng battery, bakit hindi niya ipinakulong?! Bakit hindi niya isinumbong? Bakit hindi siya kumuha ng medical report at aminin ang totoo para maniwala kami?!'

"Helloooo! First of all, when you love somebody, you just can't leave that person right away!" maigting na bulalas ni Ruffa.

"I mean, that battery, it happened [to me]. Ang gusto ko lang sanang mangyari noon, e, ma-stop 'yung mga nangyayari. Ang gusto ko lang sana noon, e, bumalik sa Pilipinas at sa pamilya ko.

"Wala akong plano to tell everyone about it, or file a medical report showing it in public, or sending Yilmaz to jail. I mean, that was not even in my intention.

"And it was not my intention also para kunin 'yung medical certificate na ‘yon at ipakita sa buong madla. I mean, for me to even talk about it in public is something that I never thought I would dream of doing," mariing sabi pa ni Ruffa.

So, isinasara na ba niya nang tuluyan ang puso niya para kay Yilmaz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As of now, yes! Nakasara na ang puso ko on my side. Pero on Yilmaz's side, he says he believes in miracles," makahulugang linya ni Ruffa sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN