"Pinoy Big Brother" results leaked hours before the Big Night

IMAGE 0


Hours before the announcement of the winner for Season 2 of Pinoy Big Brother, PEP (Philippine Entertainment Portal) received a leakage about who would win, as well as the ranking of the rest of the Big 4. The report was half-correct, based on the results of the Big Night.


Sanay na kami sa leakage, especially sa mga awards night, but never pa kaming nakatanggap ng leakage about a reality show's results. Kaya nga nag-request kami sa associate editor ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ilabas ang balitang ito kung tatama ang mga detalye na natanggap namin sa magiging resulta ng Pinoy Big Brother Season 2, na hapon pa lang ng Saturday, June 30, ay nakuha na namin.

Diumano, ayon sa leakage na nakarating sa amin, si Bea Saw ang mananalo and she will be wearing a white gown. Si Wendy Valdez ang magsi-second place at magsusuot ng black gown. Si Mickey Perz ang third place at si Gee-Ann Abrahan naman ang fourth place.

Si Bea nga ang nanalo at tama rin na si Gee-Ann ang fourth placer. Pero magkabaliktad ang puwesto nina Mickey at Wendy; si Mickey ang second placer at third placer naman ang kontrobersiyal na si Wendy.

Ayaw magsalita ang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung paano ito nakuha dahil talagang naintriga kami na pati ang isusuot na mga gowns ng dalawang top winners ay nabanggit niya.

May dagdag pang detalye na ia-announce daw sa gabi ng Big Night at the Big Dome kapag tinawag na si Wendy as second placer. Hindi niya raw makukuha nang buo ang mapapanalunan niya dahil bumalik na lang siya sa bahay, so may computation na gagawin. Hindi niya rin daw makukuha ang trip to USA na part of the second-place winner.

Hindi ito na-announce dahil hindi nga si Wendy ang naging second-place winner.

May isang tanong kami sa nagkuwento sa amin nito. Ang pagkakaalam namin, hanggang hapon ng Sabado, tuloy pa ang botohan hanggang ilang minuto bago i-announce ang Big Winner.

Hindi na kami sinagot ng aming source.

Ang aming source din ang unang nagsabi sa amin na si Bodie Cruz ang panghuling matatanggal bago mag-Final Four pero hindi namin ito pinaniwalaan o isinulat man lang. At that point, with five people still in the house—two boys and three girls—nagkakataon na sa mga past PBB editions ay dalawang lalaki at dalawang babae ang matitira, so near to impossible na matanggal si Bodie. Si Bodie, na anak nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti, nga ang final cut last Thursday, June 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posibleng may access ang PEP source sa botohan ng PBB kaya nalaman niya kung ano ang magiging puwesto ng Big 4. Posibleng during the time na ini-leak ang balita ay nasa ikalawang puwesto si Wendy at nasa ikatlong puwesto si Mickey. Nabago lang marahil ang boto nila noong palapit na ang announcement of winners.

May posibilidad din na hinulaan lang ng PEP source ang magiging ranking ng Big 4, kaso ay sumablay siya kina Mickey at Wendy. Maaari ring may nakapagsabi sa kanya na kulay puti ang gown na isusuot ni Bea at itim naman ang kay Wendy.

Sa pagkakaalam namin ay kinuha ng PBB ang auditing firm na Sycip Gorres Velayo o SGV upang siyang mag-monitor ng mga pumapasok na boto hanggang sa Big Night. Kaya kataka-taka na nag-leak ang resulta ng Big Night, kung totoo nga ito.

Matatandaang ilang araw bago ang PBB Big Nightay inulan ng batikos ang pamunuan ng nasabing reality show dahil diumano sa pagmamanipula nito ng mga boto. Ipinagtataka kasi ng marami kung bakit sa kabila ng maraming galit kay Wendy ay nakaabot pa siya sa Big 4 (at eventually ay naging third placer).

Pinabulaanan na ng unit head ng PBB na si Direk Lauren Dyogi ang mga alegasyong ito. Ayon sa kanya, hindi nila mina-manipulate ang resulta ng botohan sa kahit na anong paraan.

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang panig ng mga taga-Pinoy Big Brother tungkol sa diumano'y leakage na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN