Mart Escudero concedes Dennis Trillo is their manager's favorite

IMAGE 0


"Sa mga hawak ni Tito Popoy, siya 'yung pinaka-kuya namin, siya 'yung nauna. Kaya ganun talaga, paborito siya. Ako, parang bago lang," says Mart Escudero (left) about his co-talent Dennis Trillo (right).


Iisa ang manager ng StarStruck Batch 4 winner na si Mart Escudero at ng matinee idol na si Dennis Trillo—si Popoy Caritativo. Pero dahil isa sa busiest young actors ngayon si Dennis, at si Mart naman ay humahataw na rin ang showbiz career, hindi masyadong nagkakaroon ng bonding time ang dalawang alaga ni Popoy.

Kaya nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mart kung gaano na sila ka-close ng "kapatid" niyang si Dennis, ang sagot ng baguhang aktor ay: "Medyo busy po 'yun, e. Bihira lang kaming magkita, pero nagkakasama naman kami minsan. Pag may lakad si Dennis, sumasama si Tito Popoy, sumasama rin po ako minsan."

Ayon pa rin kay Mart, wala naman daw professional jealousy sa pagitan nila ni Dennis, lalo pa't alam naman niyang established na ang career ni Dennis.

"Ay, wala naman po. Nauna po siya, e. Tsaka siya po 'yung paborito talaga. Kumbaga, siya po 'yung senior sa amin. Sa mga hawak ni Tito Popoy, siya 'yung pinaka-kuya namin, siya 'yung nauna. Kaya ganun talaga, paborito siya. Ako, parang bago lang," pahayag ni Mart.

Bukod kina Mart at Dennis, alaga rin ni Popoy si Marian Rivera, ang bida sa Pinoy version ng Marimar ng GMA-7.

Kung si Dennis ang maituturing na paborito ni Popoy, wala kayang pagseselos na nararamdaman si Mart?

"Ay, wala naman po," mabilis niyang tugon. "Naiintindihan ko po 'yun kasi nga, siya 'yung una. Ganun talaga, okay lang po yun."

Dagdag pa ni Mart, bilang "kuya" ay nagbibigay raw ng advise si Dennis sa kanya pagdating sa kanyang career.

"Basta galingan ko daw po 'yung pakikisama. Basta sa lahat ng trabaho, ipakita ko na 'yung pinakamagaling na gagawin ko," kuwento ni Mart.

Kabilang si Mart sa cast ng bagong youth-oriented show ng GMA-7, ang Boys Nxt Door.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN