Allan K in the U.K.!

IMAGE 0


Allan K (left) with his manager Jun Nardo. The two went to London last June to celebrate the Philippine Independence Day with Pinoys.


Nag-enjoy nang husto ang TV host at stand-up comedian na si Allan K sa sampung araw na pananatili niya sa London, England kung saan inimbita siya ng Kasapi-UK sa selebrasyon ng Philippine Independence Day na ginawa sa malaking Morden Park na malapit sa Wimbledon.

Sa sosyal na Crowne Plaza Hotel na walking distance sa pamosong Buckingham Palace kami naka-billet ni Allan na malapit din sa Wesminister Abbey, House of Parliaments, Big Ben, London Eye, at iba't ibang government offices sa London.

Sa unang gabi namin sa London, pumunta kami sa tinatawag na gay district ng city, ang Soho, kung saan naglipana ang mga bading, tomboy, lalaki, babae. Parang single's bar ang halos ng club dito na walang ginawa ang mga tao kungdi chikahan, inuman, pagpapa-cute. May mga pares din namang walang takot na naghahalikan sa harap ng mga tao, pero bawal ang sexual intercourse at kung ano pang kabalahuraan.

Kalapit ng Soho ang entertainment district ng London kung saan itinatangahal ang mga stage-musical plays tulad ng Les Miserables sa Queens Theater na aming napanood at pinagbidahan ng Pinay na si Joanna Ampil bilang Pantene.

Nakita rin namin 'yung theater na pinagpalabasan ng Equus ni Daniel Raidcliffe ng Harry Potter fame. Under renovation na nga lang 'yon.

Sa totoo lang, mas marami pang theaters sa London na nagpapalabas ng stage plays kesa movies, at ang tickets, (50 pounds or roughly P5,000!) ang pinakamahal!

Anyway, sa dalawang araw na shows na ginawa ni Allan para sa Pinoy sa London, mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng tao kahit na nga walang GMA Pinoy TV roon at dominated 'yon ng The Filipino Channel (TFC).

Pero kilala ang Eat Bulaga!, syempre. Kaya naman enjoy to the max ang lahat ng tao sa pagpapatawang ginawa niya kahit kinokontrol ng staff ng TFC ang performance niya't pagbanggit ng GMA at Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

It was a trip worth remembering dahil bukod sa tourist spots na aming nabanggit, napuntahan din naming ang Tower of London, Tower Bridge, ang ordinaryo na lang na London Bridge, ang lugar ng Notting Hill at ang mga mamahaling bahay worth 20M pounds!

Napanood din namin sa TV ang pagre-resign ng Prime Minister ng United Kingdom na si Tony Blair, ang pagpalit sa kanya ni Gordon Brown. Naranasan din namin ang pagsakay sa undeground train, ang shopping sa Oxford, pagkain ng steak sa kilalang Harrod's at ang car bomb threat sa entertainment district nu'ng umaga bago kami lumipad pabalik ng Maynila.

Narito ang iba't ibang kuha namin sa makasaysayang lugar ng London!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN