Kris Aquino will not do a movie until Baby James turns one year old

IMAGE 0


"I'm just like any other regular working mom. Sinabi kong kaya kong i-sacrifice lahat para sa mga anak ko, pero kasi I have to work also para maging maginhawa ang buhay nila. Part and parcel ‘yon, di ba?" explains Kris Aquino when asked about being active on television again.



Hindi pa desidido si Kris Aquino kung tatanggapin niya ang mga movie projects na inaalok sa kanya ngayon.

Dahil nagbalik na siya sa telebisyon at aktibo na ulit siya sa showbiz ay balak na naman siyang kunin ng film producers para gumawa ng pelikula.

"I have three offers right now," kuwento ni Kris sa presscon kahapon, July 2, ng bagong morning show nila ni Boy Abunda na Boy & Kris sa 9501 resto ng ABS-CBN.

"Meron akong dalawa na gustong gawin talaga, pero I promised not to shoot anything until mag-one year old si Baby James," sabi ni Kris. Si Baby James, na magti-three months old na sa July 19, ang anak ni Kris at ng cager husband niyang si James Yap,

"Pero depende rin talaga. There is one that really, really intrigues me and excites me. Kasi tungkol sa pamilya, tungkol sa... Ay, I'm not allowed to say!" sadya niyang pambibitin sa sasabihin niya.

"Pero alam kong ikatutuwa ng Mom ko kung gagawin ko ‘yon," dagdag pa ng tinaguriang Philippines' Queen of Talk.

Parehong blockbusters ang horror films ni Kris na Feng Shui (2004) at Sukob (2006). Hindi ba siya gagawa ng another horror movie?

"I promised Direk Chito [Roño], whenever he has another one, para nakatatlo kami," sagot niya.

"Kasi, di ba, dapat it comes in threes? So, sinabi ko ‘yon sa kanya. But sabi niya, ‘Two years pa ‘yan!' Kasi, he's focused on Sharon [Cuneta's new movie under Star Cinema] now.

"And then, it will take him another year to finish the story, so matagal na matagal pa ‘yon," tantiya niya.

Bukod sa kanyang Kapamilya Deal or No Deal on week-nights at sa new daily morning show nila ni Boy na Boy & Kris, in-announce ni Kris na she'll be having another show that will premiere on August 11, ang lifestyle program na Weekends with Kris, which will air every Saturday, 5:00 p.m. on ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin nito ay marami na naman siyang trabaho dahil tatlo na ulit ang regular shows niya. Hindi ba't may dayalog siya before na kaya siya magbabawas ng programa ay para magkaroon siya ng sapat na panahon at atensiyon sa pamilya niya?

"I only work Monday to Friday. And I don't work beyond 8:30 at night," katuwiran ni Kris. "So, maaga akong nakakauwi. By the time na matutulog, sabay-sabay kami. Maaga rin akong gumigising dahil nagbi-breakfast kami and all...

"Tapos, 'yung weekends talaga, together. So, I'm just like any other regular working mom. Sinabi kong kaya kong i-sacrifice lahat para sa mga anak ko, pero kasi I have to work also para maging maginhawa ang buhay nila. Part and parcel ‘yon, di ba?

"Pero ang sinasabi ko lang, I know my priorities at sila talaga ang nangingibabaw above everything else," bulalas pa ng actress-TV host.

Proud si Kris na sabihing isa siyang morning person. Iba raw kasi 'yung umaga pa lang ay active ka na, kaya ine-encourage niya ang best friend niyang si Boy na matulog at gumising nang maaga katulad niya.

Excited siya to be hosting a show again with Boy and to be back sa morning time slot. Pero hindi niya raw masasabi kung maa-outlive ng Boy & Kris ang past morning shows niyang Today with Kris, Morning Girls, at Kris and Korina.

"Kasi, if you think of it, I was on morning television of some sort for a total of eight years," pag-aanalisa niya. "So, that's a hard act to follow if you think of it now. Pero ang main difference nitong Boy & Kris is maturity.

"Kasi, 'yung kay Korina, she was like the Ate, I was the kid sister. Ngayon, parang feeling ko, we're on even footing already ni Boy. Kasi parang we both have really lived life," sambit pa ni Kris, who describes their new show using three Ws: warm, witty, and wonderful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN