Jennylyn Mercado stays away from Angel Locsin's issue with GMA-7

IMAGE 0


"May naikukuwento po sa akin ang manager [Becky] namin, pero siyempre confidential. Ayoko naman pong makigulo diyan kasi labas naman ako sa kanila. Sana maayos po ang lahat," says Jennylyn Mercado (right) about Angel Locsin's issue with their mother network GMA-7.


Pagkatapos ng Tiyanaks at ng Super Twins, magpapahinga si Jennylyn Mercado ng isang buwan para tumungong United States. Partly work pa rin ito dahil magpu-promote sila ng Angels, ang movie na produced by Angel Locsin and their manager Becky Aguila under Eagle Eye Productions. May mga tinanggap na ring shows si Jennylyn while there.

"Hindi naman isang buong buwan akong mawawala," sabi ni Jennylyn sa solo presscon niya for Tiyanaks. "May balik din ako in between kasi from [mainland] USA, pupunta rin po kami ng Guam at Hawaii."

Aware si Jennylyn sa mga nangyayari ngayon kina Angel at sa home station nila na GMA-7.

"May naikukuwento po sa akin ang manager [Becky] namin, pero siyempre confidential. Ayoko naman pong makigulo diyan kasi labas naman ako sa kanila. Sana maayos po ang lahat," pahayag ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor.

Naitanong namin kung naisip niya na baka maapektuhan din siya sakaling magkaroon ng falling out ang manager niya at ang GMA-7.

"Naku, huwag naman po sana," sabi niya. "Magkaiba naman kami ni Angel. Labas naman po ako sa issue sa kanila."

Isa rin si Jennylyn sa mga nag-audition for the role of Marimar at kahit bagay ito sa kanya at siya naman ang kinikilang first princess ng GMA-7 after its queen na si Angel, hindi sa kanya napunta ang papel.

"Hindi ko po alam kung bakit. Sabi kasi, may ibibigay po sa akin na bagong show pagbalik ko sa USA. Saka sila naman po ang nagdedesisyon niyan," paliwanag ni Jennylyn.

Hindi pa alam ni Jennylyn kung anong show ang ibibigay sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN