Viva talent PJ Valerio disappointed by Rhian Ramos's rejection

IMAGE 0


"Hindi po ako magpapaka-plastic, talagang na-disappoint po ako sa mga nangyari sa amin," says PJ Valerio (right) about Rhian Ramos (left).



Si PJ Valerio ay isa sa mga ipinakilalang talents ng Viva Artists Agency (VVA) sa entertainment press. Kilalang theater-performer ang bagets na madalas na ring napapanood sa ilang shows ng GMA-7.

Isa sa mga unang naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay PJ ay ang reaksiyon niya sa magagandang reviews sa kanya sa High School Musical. Matatandaan kasing may mga grupo diumanong gusto siyang ipatanggal sa nasabing show at nakarating pa nga ito sa pamunuan ng Walt Disney at Stages. Pero dahil lubos ang pananalig nila sa talent ni PJ, he is retained to perform as Ryan Evans.

Sabi ng young actor sa PEP, "I'm happy po talaga na naging positive ang dating mga negative na sinasabi about my participation in that show. I'm happier na mas marami ang natuwa sa ginawa ko, and that I'm looking forward to more projects with them."

Pero nag-iba ang emosyon ng binata nang itanong sa kanya kung nakapag-move on na ba siya sa nangyari sa kanila ng young actress na si Rhian Ramos.

"Hindi po kasi ako sikat," ang makahulugang sabi ni PJ.

Matatandaan kasing idinenay ni Rhian ang panliligaw ni PJ at parang pinalabas pa ng young actress na nag-iilusyon sa kanya ang binata.

"Ganyan po talaga. Natanggap ko naman po, pero siyempre tumatak sa akin ang mga pangyayari," aniya.

Ramdam na ramdam ang disappointment ng theater actor-singer nang pag-usapan ang dating isyu sa kanila ng GMA Artist Center talent.

"But I'm okay now. I'm trying to move on. I'm simply focusing myself now on my career. Hindi po ako magpapaka-plastic, talagang na-disappoint po ako sa mga nangyari sa amin," sabi pa nito.

Nang itanong ng PEP sa binata kung inimbitahan ba niya ang dalaga upang manood ng High School Musical, ito ang sagot niya: "Opo, I did invite her, pero noong wala pa po 'yung denial issue. But after the issue, wala na po kaming communication."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero in case naman daw na magkita sila o mag-cross ang kanilang mga landas, PJ said na he will simply be himself.

"I will say hi," saad pa nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN