Dennis Trillo mesmerized by Lea Salonga's Broadway performance

Jul 4, 2007
While in New York, young actor Dennis Trillo (left) got the chance to watch Filipino international star Lea Salonga (right) perform as Fantine in the Broadway musical Les Miserables.

Bukod sa nakapamasyal sa New Jersey at New York, may maganda pang kuwento si Dennis Trillo sa first trip niya sa United States noong katapusan ng March.



Naikuwento ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na noong nasa New York sila, hindi siya pumayag na hindi makapanood ng Broadway show. Tamang-tama namang palabas pa ang Les Miserables, kung saan kasama sa cast ang Filipino international star na si Lea Salonga as Fantine.



Manghang-mangha ang young actor sa ganda ng Les Miserables at sa husay ni Lea. Bilang kababayan, very proud ito sa narinig na positive comments kay Lea at hindi siya pumayag na hindi makuha ang autograph nito.

Kaya after the show, pumila si Dennis para magpa-autograph kay Lea. Ang hindi ini-expect ni Dennis, makikilala siya ng mga Pinoy na kasabay niyang nanood that time. Habang nakapila sila, may nagpapa-autograph sa kanya at nagpapakuha ng litrato.



Laking gulat at tuwa ni Dennis nang paglabas ni Lea para harapin ang nakapila niyang fans ay nakilala siya nito. "Oh, my God! It's Dennis!" ang pagbati ni Lea sa kanya, at game na game nang pumirma ng autograph.

Continue reading below ↓



Ngayon, isa na sa most treasured possessions ni Dennis ang autograph ni Lea. Kahit maiksi ang nakasulat na "Hi Dennis!" at " Love, Lea Salonga" ipinagmamalaki ito ng young actor sa kanyang mga kaibigan.

Read Next
Read More Stories About
Dennis Trillo, Lea Salonga
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
While in New York, young actor Dennis Trillo (left) got the chance to watch Filipino international star Lea Salonga (right) perform as Fantine in the Broadway musical Les Miserables.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results