Fil-Canadian beauty queen Rizza Santos denies dating Mark Bautista

IMAGE 0


Miss Earth Canada 2006 Rizza Santos denies an earlier report that singing heartthrob Mark Bautista courted her. She last saw Mark after his album launch early tis year.



Sa launching ng newest album ni Mark Bautista early this year, nabanggit niya na may special guest siya that night—si Rizza Santos, Miss Earth Canada 2006.

Shyly, ikinuwento ni Mark—na isinulat namin dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal)—ang situation nilang dalawa. They're more than friends and dating na nga, not just here but also in Canada.

Nang mapanood daw ni Mark si Rizza, the first Filipina to compete as Miss Canada sa Miss Earth noon, nagka-crush na raw siya rito. Sinubukan niya ngang hingin ang number ni Riza through his friend Christian Bautista who hosted Miss Earth 2006. Hindi raw nakuha ni Christian ang number ni Risza for Mark.

Late last year, nang tumungo sina Mark at Sarah Geronimo sa Canada for a series of shows, nagkaroon ng isang special dinner na ibinigay ng Philippine consulate doon. Nandoon din si Rizza at nagpakilala siya. Nag-date daw sila doon.

Nang umuwi rin si Rizza for business dahil naging Miss Tourism din siya for Canada, muli na namang nagkita ang dalawa at nagpunta pa nga siya sa album launching ni Mark.

Nang first time makausap ng PEP si Rizza, na part na ngayon ng Viva Artists Agency, si Mark agad ang tinanong namin sa kanya. Hindi niya raw alam.

Kaya ikinuwento namin kay Rizza ang interview namin noon kay Mark thinking they're more than friends. Sabi ni Rizza, nabasa niya raw ang said article sa PEP. Ngumiti lang siya bago siya nag-explain.

Hindi niya raw alam ang kuwento ng pagkaka-crush ni Mark sa kanya when she competed for Miss Earth noon. Hindi naman daw ito ikinuwento sa kanya ni Mark.

Sa consulate party, the reason she attended was because tiyuhin niya ang consul. She was very happy to meet not just Mark, but also Sarah Geronimo, dahil kilala niya naman ang dalawang singing champions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mark daw ang lumapit sa kanya para magpakilala.

"He gave his number to me, saying if ever I'm back in the Philippines, I can contact him," kuwento ni Rizza.

Hindi rin sila nag-date sa Canada after that party.

"I only saw him once, sa party. I only spoke with him briefly and he said he will give me his contact number just in case I return to the Philippines.

"It just so happened I really had to return to the Philippines, not because of him, but because I had a job in connection with my being Miss Philippines-Canada Tourism.

"When I called him, he invited me to his album launch, so I went with my whole family. My whole family was there that night and I went there as a friend. I never saw him since then," kuwento ni Rizza.

Hindi raw nanligaw sa kanya si Mark so certainly hindi sila naging mag-MU as implied by Mark during our interview with him.

We asked Rizza na just in case manligaw nga sa kanya si Mark, may pag-asa ba ang binata sa kanya?

Bago sumagot ay ngumiti muna si Rizza. Hindi naman daw sa hindi niya gusto si Mark. Hindi lang daw siya interesado na magka-boyfriend at this point.

We also asked asked Rizza kung si Mark ba ang tipo ng lalaki na puwede niyang maging boyfriend. Rizza replied that she has no type as long as she likes the guy.

Huling tanong kay Rizza, hindi ba niya na feel na parang nagamit siya ni Mark sa issue? Hindi naman daw. Baka naman daw miscommunication lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN