Polo Ravales hospitalized due to excessive gym workout

IMAGE 0


"Kasi hindi lang once a day mag-gym si Kuya, minsan twice a day pa. Sa umaga pag-uwi niya from gym, magpapahinga lang. Tapos sa gabi kapag naisipan niya, magdyi-gym uli," says Ashley Gruenberg (left) about her brother Polo Ravales's (right) excessive gym practice.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ashley Gruenberg, younger sister ni Polo, sa presscon na ibinigay ng Viva Artist Agency for their talents last Tuesday, July 3. Biniro namin siya na bakit parang magkaaway sila ng kapatid niya.



Hindi raw totoo ‘yon, sabi ni Ashley. In fact, siya nga ang nagdala sa kuya niya sa hospital dahil sila ang magkasama that time nang muntik nang mag-collapse si Polo.



Nanonood daw sila ng sine sa Greenhills nang nagpaalam ang kuya Polo niya na bibili lang ng tubig dahil dehydrated siya. After ten minutes, nagtaka si Ashley kung bakit hindi pa bumabalik ang kuya niya, kaya't sinundan niya ito.



Nakita niya si Polo na namumutla na at hindi na halos makatayo. Itinakbo niya agad ito sa hospital.



Over-gym daw ang dahilan kung bakit nagkasakit ang kuya niya.



"Kasi hindi lang once a day mag-gym si Kuya, minsan twice a day pa," sabi ni Ashley. "Sa umaga pag uwi niya from gym, magpapahinga lang. Tapos sa gabi kapag naisipan niya, magdyi-gym uli."



Pinagbawalan na raw si Polo ng mga doktor na mag-over exert sa pagdyi-gym.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN