Angel Locsin and her manager "patching things up" with GMA-7

IMAGE 0


Talent manager Becky Aguila (inset) clarifies reports about Angel Locsin's rumored negotiation talks with ABS-CBN.



Wednesday afternoon, July 4, nakatanggap kami ng tawag mula sa isang kasamahan, nagpapa-verify kung totoo raw ang balitang "nagkakagulo" at that moment sa GMA-7 meeting ng talent manager na si Becky Aguila concerning Angel Locsin's release sa GMA-7. Dagdag pa rito, may offer na nga raw ang ABS-CBN kay Angel, a show titled Daddy's Angel with Christopher de Leon.

Before this, may kuwento rin kaming narinig na hindi lang TV station magpapalit si Angel, pati movie outfit na rin from Regal Entertainment to Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Sa unang tawag namin sa isang production manager ng Kapuso Network after receiving the call, na-correct agad ang date of the meeting between GMA-7 and Becky, hindi raw that day, Wednesday, dahil Tuesday (July 3) pa raw ang meeting ng dalawang kampo.

Gabi ng Wednesday, biglaang nagkita kami ni Becky who was with some of her assistants sa Baang Coffee House sa Tomas Morato. After the niceties, hindi na kami nagpatumpik-tumpik pang tangunin ang manager nina Angel at Jennylyn Mercado ng mga straight-to-the-point questions. Tawa siya nang tawa in between answers.

Nagkagulo raw sa meeting niya with GMA dahil nagpapa-release na nga raw si Angel with the Kapuso network, unang tanong namin.

"Nagkakagulo? Bakit naman magkakagulo. Actually, we're patching things up," sagot ni Becky.

May offer daw na Daddy's Angel na show kay Angel ang ABS-CBN?

"Daddy's Angel? First time I've heard of it."

Turning to her assistants, natawang nagsalita si Becky na "Hoy, may offer daw na Daddy's Angel ang ABS. Buti pa sila alam nila bakit tayo hindi natin alam?"

"What kind of a show is that, ba," balik-tanong sa amin ni Becky. "Is it a soap? No, there is no such offer with such title."

Is there any offer with another title, tanong namin.

Hindi agad sumagot si Becky dahil tawa siya nang tawa. Later on, she categorically said no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm looking at you straight in the eye, ha," sabi niya.

Lilipat din daw ng Star Cinema si Angel?

"Actually, just finished meeting with Mother [Lily Monteverde of Regal] tonight [July 5]. Pagbalik namin sa States, ito agad ang ipa-prioritize ni Angel, ang next movie niya sa Regal," sabi ni Becky.

While straight lahat ang sagot ni Becky sa mga tanong namin, isa ang hindi niya sinagot categorically: Kung lilipat na nga ba si Angel sa ABS-CBN.

"We're taking one step at a time" lang ang naging tugon niya sa aming tanong.

Today, July 5, ang alis ng grupo ni Becky patungong United States para mag-promote ng Angels ng kanilang Eagle Eye Production at mag-side show na rin ang ilang alaga niya, not just sa mainland US but also sa Hawaii at Guam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN