Vic Sotto's camp denies rumored split-up between the comedian and Pia Guanio

IMAGE 0


A PEP source close to Vic Sotto dispels rumors that the comedian and his girlfriend Pia Guanio have called it quits.



Walang katotohanan ang balitang hiwalay na ang showbiz sweethearts na sina Vic Sotto at Pia Guanio. Ito ang mariing pahayag ng isang PEP (Philippine Entertainment Portal) source na malapit kay Vic.



Matatandaang nagsimula ang balitang hiwalayan dahil sa lumabas na isyung nakita umano si Vic recently na nagdi-dinner sa isang classy restaurant sa Serendra (sa The Fort, Bonifacio Global City sa Taguig) with a foreigner-looking girl at ang sabi pa ay sweet daw ang dalawa.

Kabuntot nito ang isa pang tsismis na na-witness daw ng isang guard sa condo ni Pia na nagkaroon diumano ng "shouting match" between Vic and Pia. After that ay marami agad ang nag-conclude na nag-away ang dalawa at nag-break na.



According to the PEP source, it was Pia and nobody else na kasama ni Vic nang mag-dinner ang actor-TV host kamakailan sa Serendra.

From what we gathered, papunta raw dapat ng Montemar beach resort sa Bataan ang dalawa last June 20 for an outing with Pia's family na kasama siyempre si Vic. Kaya lang ay hindi sila pinayagang mag-leave sa Eat Bulaga! because hindi pa bumabalik ang EB co-host nilang si Allan K. from a show in London. So, they've decided na mag-dinner date na lang sa Serendra.

No big deal daw sakaling sweet man si Vic sa girl na nakitang ka-dinner nito because that was none other than his lady love Pia.

Mariin ding pinabulaanan ng PEP source ang sinasabing sigawan episode between Vic and Pia dahil hindi raw ganun ang mag-sweetheart.

And if ever man daw there was an argument between the two, definitely ay hindi raw si Vic ang tipo ng lalake na makikipagsigawan o makikipag-away in public dahil napaka-private nitong tao, especially when it comes to his lovelife.

Absent si Pia sa Eat Bulaga! last Tuesday, July 3, kaya agad nag-speculate ang iba na it's because magkagalit sila ni Bossing (tawag kay Vic). That's not true. Kaya no-show si Pia that day ay dahil nilagnat ang host ng Chika Minute at Showbiz Central.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, last Monday, July 2, ay nag-last taping na ang GMA sitcom ni Bossing na Daddy DiDoDu na magtatapos na sa ere after its six-year run.

Sa July 16 naman ang first taping day nila ng bagong sitcom entitled Fulhaus wherein Vic and Pia will play a married couple. Sa August 5 ang premiere episode ng Fulhaus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN