PBB winner Bea Saw will share her blessings with fellow Bicolanos

IMAGE 0


Pinoy Big Brother Season 2 winner Beatriz Saw intends to share her bounty—discreetly, sans fanfare—with her kababayans in Bicol. She praises Bicolanos for their resiliency in the face of calamity. "Iyong after the storm, tatayo ulit. Ire-rebuild 'yung house. After naming mabagyo, bahain kami, lilinisin ang bahay, balik ulit sa dati."



Kinundisyon na ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 Big Winner na si Maria Beatriz "Bea" Saw na siya ang mananalo sa pagpasok niya ng Bahay ni Kuya.



"From the start, I told myself I'm going to win," umpisa ni Bea sa grand presscon na ibinigay ng ABS-CBN para sa Big Four ng PBB last July 4 sa 14th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.



"Pero kahit nasa isip ko ‘yon, I didn't know how. Lagi lang nasa isip ko, ‘Mananalo ako, mananalo ako.' Ganun po. Tapos ‘yon na."

Mas bongga ang mga premyo ngayong season ng PBB kumpara sa past seasons. More or less six million pesos ang total prize na makukuha ni Bea—may cash, malaking unit na bahay mula sa Globe Asiatique, at brand- new car.



Lumaki si Bea sa isang maliit na bayan sa Bicol. Nakapag-aral siya sa Ateneo de Naga University. Iniwan niya ang kanyang pamilya sa Bicol noong isang taon para magtrabaho bilang resource associate sa isang consulting firm sa Makati bago siya sumali sa PBB.



Hindi lingid sa karamihan na ang probinsiyang kinalakihan ni Bea ay sinalanta ng malaking trahedya na hanggang ngayon ay nagpapahirap pa rin sa kanyang mga kababayan doon. Isi-share ba niya ang blessings niya sa kanyang mga kababayan sa Bicol?



"Unang-una po, hindi ko pa nabibigay. Pero meron po akong plano. Kaya lang, discreetly ko kasi na gagawin. As much as possible, huwag na sanang masyadong i-publicize.

"I'm going home siguro, ewan ko kung malalaman nila or ano. Pero ‘yon nga, I'm going to do it discreetly, like hindi lang 'yung mga taong nasalanta. Meron akong mga indigenous people [na tinutulungan] nung college pa ako. So, I'm planning to go back to visit them. Sila 'yung binigyan ko ng rice nung nabagyo kami.

"Of course, lahat ng nakuha ko, kasabay ko silang [Bicolanos] aangat. Iyon nga 'yung, what's good about being a Bicolano is parang we have this being resilient. Iyong after the storm, tatayo ulit, ire-rebuild 'yung house. After naming mabagyo, bahain kami, lilinisin ang bahay, balik ulit sa dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko sila makakalimutan, lalo na 'yung mga taga-Baaw. Mahal na mahal ko ‘yon. Doon ako lumaki. It's a small town na malapit sa city," sabi ni Bea.

Bukod sa kanyang pagiging totoo sa loob ng Bahay Ni Kuya, naging popular si Bea sa mga manonood ng PBB dahil sa kakaiba niyang pagtawa.

Nagmarka rin sa mga manonood si Bea nang maugnay siya sa co-housemate niyang si Nel Rapiza. Inakala kasi ng isa pa nilang kasamahan na si Maricris Dizon na may gusto si Bea kay Nel. Bea denied the allegation, pero nagpatuloy pa rin si Maricris na ipilit ang isyu hanggang sa mag-bitiw na si Bea ng famous line niya—"Ang respeto, hindi ‘yan ini-impose, Maricris, ini-earn ‘yan!"

Dalawa pang unforgettable lines ni Bea sa confrontation nila ni Maricris: "Don't push your luck, Maricris!" at "Act your age!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN