Angel Locsin is free to transfer to another channel if she wants

IMAGE 0


Speculations continue about Angel Locsin's next move after not renewing her contract with GMA-7's Artist Center. The young actress and her manager are expected to make a decision when she returns from the United States next week.



Nakaalis na ng Pilipinas papuntang United States ang kontrobersiyal na si Angel Locsin, pero hinahabol pa rin siya ng mga intriga. Lumakas ang pagdududa ng kampo ni Angel na posibleng may nagmamaniobra talaga ng mga negatibong usapin sa young actress.



Sa nakaraang undisclosed meeting ni Angel with her manger na si Becky Aguila kaharap ang isang GMA-7 executive, kabilang sa pinag-usapan ang sunud-sunod na negative write-ups laban kay Angel. Hindi itananggi ni Angel na labis siyang naapektuhan ng mga ibinatong intriga sa kanya gaya ng "walang utang na loob," "ingrata," at pati na ang pagtataray niya diumano sa isang make-up artist at stunt director sa katatapos lang na teleserye ni Angel with Robin Padilla, ang Asian Treasures.



Sa naturang meeting din, ayon sa aming source na malapit kay Angel, nilinaw ng kampo ni Angel na tapos na tapos na ang kontrata niya sa Artist Center ng GMA-7. Terminated na raw talaga ang contract ni Angel sa Kapuso Network kaya libreng-libre na siya kahit saang network niya gustong magtrabaho.

Tatlong taon ang unang kontrata ni Angel sa GMA-7, na may first option to renew. Nag-renew sila sa Siete ng one year pagkatapos ng three years. This time, wala nang nakasaad na "first option to renew" na clause sa kontrata niya with GMA-7. Pero nag-stay pa rin si Angel sa kanila for another year. Kaya ngayon, walang kasabit-sabit si Angel kung sakaling magdesisyon nga siyang lumipat.

Ayon pa sa aming source, hindi raw totoo na nakipag-usap na sina Angel sa ABS-CBN at sa film arm nitong Star Cinema. Kaya wala ring katotohanan na hinanapan sila ng "release paper" ng Kapamilya network.

"Hindi naman tanga sina Becky na basta na lang makikipag-usap sa ABS-CBN at Star Cinema nang di pa maayos ang lahat. Sa totoo lang, di na kailangan ni Angel ang release papers para makipag-negotiate sa kung sino ang gustong kumuha sa serbisyo ng alaga ni Becky. Libreng-libre na si Angel. Ang bukod-tanging kontrata ni Angel ay sa Regal Films," sabi ng aming source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Habang nasa US, masusing pag-aaralan at pag-uusapan nina Angel at Becky ang career plan ng aktres. Pero kasamang magdedesisyon nina Becky at Angel ang ama ng young actress na si Mr. Angel Colmenares.



Magkakaroon din ng pagbabago sa naunang plano ni Angel na from the US, after ng international screening ng iprinodyus nilang pelikula ng manager niya na Angels, ay didiretso na siya ng lipad papuntang London. Sinabi ng aming source na kumpirmadong babalik muna ng Pilipinas si Angel bago pumunta ng London, kung saan kukuha ito ng special course na fashion designing.



Sa pag-uwi ni Angel ng Pilipinas next week, posible raw na harapin na niya ang pagpirma ng kontrata for her future projects bago siya mawala sa bansa.



Dagdag pa na aming source, "Baka hindi na rin magtagal si Angel sa London ng two months. Alam mo naman ngayon ang showbiz, mahirap mawala nang matagal. Most probably one month lang siya doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN