Life goes on for Kris Martinez after his manager's suicide

IMAGE 0


"Malaki na yung hirap ko dito, e. Hindi naman biro 'yung two-and-a-half years na ginawa ko at talagang trinabaho ko dito, 'yung mga taong nagtitiwala, 'yon 'yung nagbigay ng way para ituloy ko," says Kris Martinez about continuing with his career even after his manager's death.



Si Kris Martinez ang isa sa mga pangunahing talent ng namayapang publicist-talent manager-columnist na si Joey Diego.

Nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay kinumusta namin siya pagkatapos ng pagpapakamatay ng kanyang manager.

"'Yung pagiging independent ko, mas lalo kong nakita kung ano ba talaga ako, kung ano ba ang dapat kong gawin. And now, nakakapag-decide akong mag-isa nang wala akong manager.

"Dati, di ba, may nagde-decide for you? Pero ngayon, ako mismo 'yung dapat mag-decide. Nahihirapan lang akong mag-budget ng oras, lalo na kapag may time na nagkakasabay ang schedule," pahayag ni Kris.

Maraming iniwang katanungan ang pagpapakamatay ni Joey Diego. Natagpuan ang bangkay ni Joey sa kanyang inuupahang bahay noong May 10. Sinasabing may kinalaman sa pera ang dahilan kung bakit siya nagbigti.

Early last year, nagsimula si Joey sa kanyang sinasabing concert-series business, kung saan ang mahihiram niyang pera sa isang kaibigang press or artista ay papalitan niya ng tseke with a 20 percent interest at magu-good ito after 30 days. Noong simula, walang naging problema sa business niya habang parami nang parami ang investors na pumapasok.

Hindi malinaw sa mga nahiraman ni Joey kung sino ang business partner niya at kung saang probinsiya idinadaos ang mga concerts. Hanggang sa ginulat na lang sila lahat ng balitang tinapos na ni Joey ang kanyang sariling buhay, samantalang ang mga nahiraman niya ay naghihintay ng kasagutan kung saan napunta ang kanilang mga pera.

May development na ba kaugnay ng naiwang problema ni Joey? Isa kasi si Kris sa ilang taga-showbiz na nag-invest ng malaking halaga sa negosyong pinasukan ng kanyang dating manager.

"Ang sa akin, wala na ‘yon," sabi ni Kris. "Ang nakakasama lang ng loob, e, may naririnig akong mga tsismis na kesyo baka iniwan daw sa akin 'yung pera, and bumili ng property, ipinangalan sa akin. May narinig pa ako na bumili daw ng condo, at iniwan sa akin, bumili ng ganyan, bumili ng ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sa akin naman... wala kasi, e. I mean, makakaharap ako nang taas-noo kahit kanino, at willing naman akong magpaimbestiga sa kanila, willing ako kung may maghahabol na tao.



"Ipapakita ko 'yung accounts ko, kung meron akong property na nabili, kung may ipinagawa ako. Basta lahat, willing akong i-open sa kanila," paliwanag ni Kris.

Ano ang mensahe niya sa mga nagdududa na sa kanya iniwan ni Joey ang lahat ng perang nakuha nito sa diumano'y negosyo nito?

"Para sa kanila, ako, willing naman akong magpaimbestiga nga. Kung naghihinala sila sa akin na pinag-iwanan ako, willing akong ipakita. Kahit magpa-interview ako nang live, willing akong ilabas kung anong nangyari. Talagang ipu-prove ko sa kanila na walang iniwan sa akin.

"So sana du'n sa mga nag-iisip nung mga bagay na ‘yon, sana ma-realize din nila na wala rin akong alam sa mga nangyari," sabi ni Kris.

Nasasaktan ba siya sa mga naririnig niyang tsismis?

"Sobra, personal kasi, e. Medyo personal."

Naka-recover na ba siya kahit papaano sa pagpapakamatay ng kanyang manager?

"Kailangan, e," sagot niya. "Kasi siyempre, 'yung problema na naiwan sa akin, kailangan ituloy ko pa rin. Second, nandito na ako [sa showbiz], e. Marami ngang nag-a-advice na ‘Huwag mo nang sayangin, may mga pinaghirapan ka na rin. So, kailangang i-maintain mo na lang kung anong meron ka.' So, 'yun lang, medyo mahirap mag-adjust na mag-isa."

May mga nag-isip noon na dahil sa nangyari, magku-quit na si Kris sa showbiz, pero itinuloy pa rin ni Kris ang kanyang career bilang artista.

"Dapat talaga magku-quit na ako, naisip ko na ‘yon," aniya. "Nag-iisip na ako ng puwede kong gawin or kung mag-a-apply ako sa abroad kasi may mga family din naman ako sa ibang bansa na puwede kong puntahan."

What made him decide na ituloy ang showbiz career niya?

"Nakakatuwa, kasi tumawag sa akin 'yung Walker [brand ng undergarments] kung willing ba daw akong ituloy. Ngayon, nag-o-offer sila kung gusto ko nang mag-endorse sa kanila. Tapos 'yung mga EP [executive producers] ng iba't ibang shows, sila na 'yung tumatawag sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So dun na ako nag-isip na ituloy ko na. Kumbaga, malaki na 'yung hirap ko dito, e. Hindi naman biro 'yung two-and-a-half years na ginawa ko at talagang trinabaho ko dito, 'yung mga taong nagtitiwala, 'yon 'yung nagbigay ng way para ituloy ko.

"Kung ready ako noon, mas ready ako ngayon, kasi ako na 'yung nagde-decide," pagtatapos ni Kris.

Kasama si Kris sa pelikulang Green Paradise, na unang sabak ni Cristine Reyes sa sexy role. Leading man ni Cristine dito si Andrew Schimmer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN