Paolo Ballesteros in danger of losing two TV shows

IMAGE 0


Young actor-TV host Paolo Ballesteros has two existing shows, Eat Bulaga! and Daddy DiDoDu. "Mami-miss ko pareho ang show kung matsutsugi na rin ako sa Eat Bulaga! Siyempre, I spent seven years sa Bulaga! at five naman sa Daddy," says Paolo.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Paolo Ballesteros sa press conference ng indie film na Xenoa kahapon, July 6, sa Greens Vegetarian Restaurant. Natutuwa naman si Paolo sa ginampanan niyang papel bilang alien, si Zeus, kapatid ng dalawa pang aliens, na ginagampanan naman nina Isabel Granada as Eli and Rafael Nanquil as Drix. Itong Xenoa, directed by Sean Lim, ang ikalawang indie film ni Paolo after Metlogs.


"Matagal ko nang kaibigan ang direktor na si Sean. Kaya nung magkita kami sa John Robert Powers, and nabanggit niya nga na may gagawin siyang indie film at gusto niya akong isama, hinintay ko lang 'yung pagpapadala niya ng script. And nung mabasa ko naman 'yung istorya, na may pagka-sci-fi nga ang dating, sabi ko sige, gusto kong gawin," kuwento ni Paolo.

Totoo bang pinagtitiyagaan na lang ni Paolo ang paglabas sa indie films dahil wala na siyang mga proyekto ngayon sa telebisyon? Totoo bang malapit na rin siyang mawala sa Eat Bulaga?



"As far as Eat Bulaga! is concerned, wala pa naman pong sinasabi sa akin na matsutsugi na ako sa programa, although every Saturday na lang ako lumalabas dito. Pang-special occasion na lang yata ako. Ang alam kong matstutsugi na, e, yung Daddy DiDoDu. Pero sabi naman sa akin, baka makasama ako sa Shaider as Ida.



"Nami-miss ko na si Ciara [Sotto]," patuloy niya tungkol sa dati niyang kasamahan sa Eat Bulaga! na nasa Las Vegas ngayon. "Kasi kami talaga ang buddy-buddies sa Eat Bulaga! Every now and then, nagte-text kami sa isa't isa. The last time I was able to talk to her was nung birthday niya [July 2]. Nagbabalitaan lang kami.

"Nami-miss ko siyempre 'yung pagkain sa Eat Bulaga! everyday. Usually, hindi na ako kasi kumakain ng breakfast sa bahay. Pagdating ko ng studio ng Eat Bulaga! siyempre, maaga pa ‘yon, nakahanda na talaga ang pagkain namin. Mami-miss ko pareho ang show kung matsutsugi na rin ako sa Eat Bulaga! Siyempre, I spent seven years sa Bulaga! at five naman sa Daddy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


May balak ba siyang dalawin si Ciara Sotto sa Las Vegas?



"Pag nagkapera ako," sagot niya. "Kaya nga kailangan munang magtrabaho nang magtrabaho. Raraket muna ako nang raraket. Siya rin naman, nahu-homesick na. E, ganun po talaga. In the meantime, haharapin ko na lang muna ang trabaho ko. At ipagdarasal ko na sana, dumami pa ang projects ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN