International pop superstar Christina Aguilera captures The Fort

IMAGE 0


Christina Aguilera performed last night at The Fort, Taguig, for the Philippine leg of her Back to Basics concert tour.



Magkasamang nanood ng concert ng international pop superstar na si Christina Aguilera, Back to Basics Tour Live in Taguig held Friday night, July 6, ang showbiz lovebirds na sina Pops Fernandez at Jomari Yllana.

Namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Pops at Jomari seated at the right side ng VIP section ng malawak na Fort Bonifacio Open Field. Very sweet ang dalawa na at one point ay nakita pa ng PEP na nakahilig si Jomari sa shoulder ni Pops.

On the same side not far from the stage nakapuwesto ang actor-senator na si Bong Revilla with wife Lani Mercado and teenage kids Bryan, Jolo, and Inah Revilla.

Also spotted in the audience, this time sa left side ng VIP section, were Raymond Gutierrez, MTV veejays Kat Alano and Maggie Wilson, model-actor Victor Basa, TV host-model Phoemela Baranda, and fashion designers Rajo Laurel and Mich Dulce. Nakita rin ng PEP sa audience ang multi-awarded broadcast journalist na si Ms. Jessica Soho.

Ito ang first time na nag-concert sa Manila si Christina kaya dinagsa ng fans ang kanyang show, kahit may kamahalan ang ticket prices (Php 7,350 ang VIP seat, Php 3,675 ang Patron, and Php 1,050 ang General Admission).

Open-air ang venue, mabuti't nakisama ang panahon that night at hindi umulan. Ang Search for the Star In A Million Season 2 grand champion na si Kris Lawrence ang nag-front act, together with Fil-Canadian Mikey Bustos, na finalist sa Canadian Idol Season 1.

Nag-perform din ang award-winning Pinoy hip-hop dance group called All Stars. Seven p.m. ang nakalagay sa tiket pero 8:30 p.m. na nag-start ang actual show.

Ang lakas ng hiyawan ng crowd when Christina appeared onstage standing on top of a moving platform. She was wearing an all-white pantsuit with matching white hat.

Sunud-sunod niyang kinanta ang mga songs niya from her latest album Back to Basics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtanggal niya ng suot niyang sumbrero ay inilugay niya ang kanyang long blonde hair. She has this mannerism na palagi niyang kinakamot ang kanyang ulo as if makati ang kulot-kulot niyang hair.

When she changed into a sexier outfit ay medyo nahalata ang kanyang bulging tummy. Just recently, 26-year-old Christina and her music executive husband Jordan Bratman confirmed that the pop singer is pregnant but she still continued with her concert tour dahil nasa early stages pa lang naman ang kanyang pregnancy.

Super-dance pa rin siya while singing, pero halatang controlled ang movements niya at hindi siya todo-hataw kapag gumalaw. Known for her strong vocals, most of her songs ay halos pasigaw at applauded ang mga pagbirit-birit ni Christina.

Pawis na pawis siya while performing kaya nakapagdayalog siya ng, "It's hot in Manila!" She thanked her Filipino fans for supporting her since her early hit, "What A Girl Wants."

There was a touching moment in the show when she talked about the domestic violence she experienced growing up as a child. According to Christina, it's therapeutic for her to talk about it and she draws strength from those struggles and tough times in the past. She wrote the song "Oh Mother" for her dear mom (who was a battered wife) and she dedicated it to all those who are going through the same ordeal.

While singing "Oh Mother" ay ipinapalabas sa giant screen ang video ng isang babaeng sinasaktan at binubugbog ng kanyang asawa. She said, "I love you, Mother!" at the end of the song at may nakasulat ding "I love you, Mom" sa big screen.

Her most spectacular number was when she sang "Enter The Circus." Suddenly, the stage was transformed into a circus, complete with fire dancers, man on stilts and a sexy Christina against a big, round wooden slab, na hitsura ng mga sexy circus girls na hinahagisan ng knives while tied to the wall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

She was sitting on a carousel horse nang kantahin niya ang "Dirrty" with exotic dancers as her backup. In almost every song ay nagpapalit siya ng outfit kaya naka-ten costume changes yata si Christina or maybe more.

Applauded din ang upbeat song niyang "Candyman" and her emote song na "Hurt". Lutang na lutang dito ang maganda niyang boses.

"Mahal namin kayo!" ang only words she uttered in Tagalog.

The crowd went wild nang kantahin niya ang "Lady Marmalade" from the Moulin Rouge soundtrack. Nagtayuan na ang audience at that point, na sinundan ng hit song niyang "Beautiful." Naki-sing-along ang audience with her sa nasabing kanta na beautiful din ang message, with matching wave ng hands in the air.

Bago natapos ang pagkanta niya ng "Fighter" ay biglang umambon, so labasan ng kanya-kanyang payong ang audience. Kasabay ng pag-ulan ng confetti ang medyo lumalakas nang patak ng ulan, na huminto rin naman after a while at hindi tumuloy.

Pero yun na pala ang last song ni Christina. "Thank you, Manila! Thank you so much! I love you!" sigaw ng Grammy award-winner bago siya nag-exit.

At 10:00 p.m. ay tapos na ang show. Akala ng crowd ay lalabas pa ulit si Christina to do an encore number but that was it. The concert ended just like that.

Umuwing bitin ang audience lalo pa't hindi nila narinig ang more popular hits ni Christina like "I Turn to You," "Reflection," "The Voice Within," and her breakthrough hit "Genie in a Bottle."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN