Tonyboy Cojuangco to return to the US for another operation

IMAGE 0


Although businessman Tonyboy Cojuangco just returned from the United States with partner Gretchen Barretto, he is scheduled to return there for another operation to remove the remaining tumors in his throat.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa malalapit kay Gretchen Barretto at kinumpirma niya ang pagdating ng aktres noong Huwebes ng umaga, July 5, sa Pilipinas galing United States kasama ang longtime partner niya at business tycoon na si Tonyboy Cojuangco.



Sa US nagpagamot si Tonyboy upang matanggal ang tumor sa kanyang lalamunan. Naging successful ang operasyon at na-diagnose na hindi cancerous ang kanyang tumor.



Matatandaan na two years ago ay napabalita nang may matinding karamdaman si Tonyby. Naospital din ang businessman two years ago. Nakumpirma na nasa US nga si Tonyboy nang manood si Gretchen sa Kapamilya Summer Caravan ng ABS-CBN sa San Francisco, kasama ang anak na si Dominique.



Taliwas sa unang napabalita, hindi isinama nina Gretchen at Tonyboy si Dominique sa kanilang huling punta sa US. May klase pa raw si Dominique sa pinapasukang British school. Isa ito sa mga dahilan kaya imbes na mamalagi pa sa US sina Gretchen at Tonyby ay umuwi na lang muna sila ng Pilipinas.



Ayon sa aming source, babalik ulit sa US si Tonyboy for another treatment. Bagama't na-diagnose na hindi cancerous ang tumor sa lalamunan, may kailangan pa raw tanggalin sa kanyang lalamunan. He was advised by the doctor na tanggalin na rin 'yung mga natitira.

Puwede naman daw nag-stay na lang sa US si Tony Boy at si Gretchen to wait for the next operation. But they chose to go back sa Manila at saka na lang babalik. Sa pagbabalik nina Gretchen at Tonyboy sa US after a month kasama na nila si Dominique. By that time, bakasyon na ni Dominique sa eskuwela.

Nagpaunlak ng interbyu si Gretchen sa The Buzz at mapapanood ang kanyang pahayag this Sunday, July 8, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN