Cristine Reyes says rumor linking her to Dennis Trillo is not true

IMAGE 0


"Hindi ko alam kung saan galing ‘yang issue na ‘yan. Kung kailan at tapos na ang Super Twins, saka naman kami nai-issue. E, ni hindi nga kami close ni Dennis," says Cristine Reyes about persistent rumor linking her to former Super Twins co-star Dennis Trillo.



Bago pa man ang live guesting ni Cristine Reyes sa showbiz talk show ng GMA-7 na Startalk kahapon, July 7, nakausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy young actress.

Aminado si Cristine na hangga't maaari, talagang iniiwasan niya ang mga live interviews dahil siya raw kasi ang tipo ng artistang dire-diretso kung sumagot. Kung ano ang nasa loob niya, madalas na ‘yon ang nasasabi niyang talaga. Kaya ang ending, mas lalo pa siyang naiintriga or nakaka-create ng intriga.



Tinanong namin si Cristine sa hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa kanila ng young actor na si Dennis Trillo. Ayon sa balita, boyfriend na raw ni Cristine ang dati niyang kasamahan sa Super Twins at inililihim lang nila ang kanilang relasyon.



"Hindi ko alam kung saan galing ‘yang issue na ‘yan. Kung kailan at tapos na ang Super Twins, saka naman kami nai-issue. E, ni hindi nga kami close ni Dennis," mariing sabi ng nakababatang kapatid ni Ara Mina.

"Hindi talaga! Walang katotohanan sa isyu!"

Itinanggi na rin ni Dennis sa hiwalay na panayam ang balitang ito tungkol sa kanila ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN