Judy Ann Santos reconciliation with Joyce Bernal is "in God's time"

IMAGE 0


"In God's time, mangyayari naman po ‘yon, eh. Siguro dapat pakalmahin muna lahat. Mas mabuti 'yung ganito kasi masaya naman ako. I guess masaya rin naman siya. So, ganito na lang muna," says Judy Ann Santos about the possibility of reconciliation between her and director Joyce Bernal.



Noong simula ay naging lihim sa marami ang alitan sa pagitan ng dating matalik na magkaibigan na sina Judy Ann Santos at Direk Joyce Bernal. Pero later on ay nabunyag din ito at nalaman ng publiko ang pinag-ugatan nito.

Sa isang artikulo na isinulat ni Dinno Erece dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), ayon sa kuwento ng manager ni Juday na si Alfie Lorenzo, ay lumalabas na nagsimula ang alitan nina Judy Ann at Direk Joyce nang gawin nila ang pelikulang Don't Give Up On Us last year para sa Star Cinema. Ito ang huling pelikula ni Juday katambal ang kanyang ka-loveteam noon na si Piolo Pascual.

Noong mga panahong iyon ay naging boyfriend na ni Juday si Ryan Agoncillo. Dahil sa pagpapahalaga ni Juday sa relasyon nila ni Ryan ay nakiusap diumano si Juday sa mga taga-Star Cinema na tanggalin ang lahat ng kissing scenes nila ni Piolo Pascual.

Pinagbigyan ng Star Cinema ang kahilingan ni Juday, pati na ang isa pa nitong pakiusap na huwag nang ipaalam sa publiko, lalo na sa Juday-Piolo fans, ang naturang kasunduan. Pero laking-gulat daw ni Juday nang makarating sa Juday-Piolo fans na wala silang kissing scenes sa pelikula.

Nang tanungin ni Juday kung paano nila ito nalaman, sinabi ng mga fans na si Direk Joyce ang nagsabi sa kanila. Dito nagsimula ang tampo ni Juday kay Direk Joyce at mula nga noon ay hindi na sila nag-usap at nagkita. Dito rin nagsimula ang alitan nina Piolo at ng magkasintahang Juday at Ryan.

Sa presscon ng Ouija last July 5 sa 17th floor ng GMA Network ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na usisain si Juday tungkol sa pagkakagalit nila ni Direk Joyce. Tumanggi siyang sabihin kung ano ang naging dahilan ng away nila ng director, na ang anak na si Liam ay inaanak pa ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, no comment na lang po ako diyan," pag-iwas ni Juday sa simula. "May mga bagay na nangyayari sa buhay ng isang tao, lalo na pag naging malapit sa iyo, na mas magandang huwag na lang mapag-usapan kasi masyadong naging personal kung ano man 'yung hindi magandang nangyari sa aming dalawa."

Sa level ng pinag-awayan nila, may posibilidad ba na magkaayos sila ni Direk Joyce?


"I don't know, hindi ko masagot, e," sabi ni Juday.

So ganun kalalim?

Puwede nating sabihing ganun."

Professional ba ang dahilan?

"Hindi."

Kalan sila huling nagkita?

"Matagal na. Matagal na matagal na matagal na."

Sa palagay ba niya ay puwede pang maayos ang kanilang problema?

"In God's time, mangyayari naman po ‘yon, eh. Siguro dapat pakalmahin muna lahat. Mas mabuti 'yung ganito kasi masaya naman ako. I guess masaya rin naman siya. So, ganito na lang muna."

Nami-miss ba niya si Joyce?

"Nami-miss? Oo naman, marami naman kaming pinagsamahan nun. Ganun talaga, e, some friendships, nilalagay sa trial ng Panginoon para malaman kung hanggang saan ba talaga. Nagkataon lang na kami 'yung pinili, at hindi ko alam kung hanggang kailan kami susubukan."

Hindi pa ba kaya ni Juday na magkasama sila ni Joyce kahit in a professional level, halimbawa'y sa isang pelikula?

"Huwag na muna."

Kunwari, aksidenteng pareho silang nasa isang party or event, at hindi sinasadyang magkrus ang landas nila, magkaroon kaya ang pansinan or batian?

"I'd rather huwag na din muna. Kesa magkaron ng issue or something, huwag na lang. Kumbaga, ngayon nga, tahimik na tahimik na, e. Hindi ko maintindihan kung paano lumabas ‘yan. Tama nang ganun na lang, 'yung huwag na lang muna."

May kinalaman ba si Ryan sa gap nila ni Joyce?

"Ay, wala! Definitely wala."

E, si Piolo Pascual?

"Basta yun lang ang masasabi ko. Kung ano man yung mga bagay na pinagdadaanan ng mga kaibigan ko, naging kaibigan in the past, I guess lahat ‘yon, dapat mangyari, kasi kung hindi ‘yon nangyari, hindi ako ganito sumagot ngayon. Hindi rin siguro ako ganito mag-isip ngayon. Ngayon, ang masasabi ko lang, ngayon alam ko na kung saan ako nakalugar. Period."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN