Cesar Montano and Sunshine Cruz issue final statement against intrigues

IMAGE 0


"Nagsanga-sanga na lahat ng mga kuwento kaya we decided na magsalita na. Hindi madali for us kasi parang idedepensa na naman namin ang pagmamahalan naming mag-asawa. Pero kung ito ang makakapagtigil sa mga mali at malisyosong balita about us, okay, gagawin namin. Para sa mga gustong paghiwalayin kami, sorry na lang at hindi kayo nag-succeed," says Cesar Montano.



Finally ay nagsalita na ang mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz tungkol sa mga lumabas na balitang hiwalay na sila. Pinagbigyan na nila ang lahat ng showbiz talk shows para matapos na raw ang lahat ng usap-usapan tungkol diumano sa problema sa kanilang pagsasama.



Tamang-tama lang daw ang ginawa nila dahil ayaw nila ng mga negative vibes, lalo na't noong nakaraang Sabado, July 7, ay grand opening ng kanilang Italian restaurant na Bellissimo sa Scout Castor St., Quezon City.



A day before the grand opening of their restaurant, tinapos na nina Cesar at Sunshine ang usapin na nagkaroon ng problema ang kanilang pagsasama. Pinawalang-totoo rin nila na dahil diumano sa pagpunta ni Cesar sa A1: Airforce One, isang KTV bar sa Parañaque City, kaya naglayas si Sunshine, kasama ang mga anak nila.



"OA naman ang balitang naglayas ako," diin ni Sunshine. "Unang-una, ang hirap maglayas. Saan naman ako pupunta? Oo, nandiyan ang Mommy ko, pero nakakahiya naman kung gagawin ko ‘yon. Tsaka, tatlo ang mga anak namin ni Buboy [Cesar's nickname]. Ang hirap na maglayas na kasa-kasama ang mga bata. Siyempre, with matching yaya pa ang mga ‘yan at mga gamit. Kaya isang entourage ang mangyayari kapag naglayas ako, di ba?



"Noong lumabas nga ‘yan [isyu], doon na ako nawindang kasi nga hindi naman totoo. Oo, pumunta ako sa bahay ng Mommy ko sa Parañaque, pero dahil nag-dinner kami doon. That was the time na wala si Buboy at nasa Los Angeles siya. Ang kasama ko pa that time ay 'yung asawa ni Bayani [Agbayani] na si Leng-Leng.



"Naloka nga ako noong pag-uwi ko sa bahay namin sa Quezon City, ang daming TV reporters na naghihintay sa gate namin. As in parang mga paparazzi sila doon kaya hindi muna ako umuwi. Tumambay muna ako somewhere hanggang sa nakaalis sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Doon na namin napagdesisyunan ni Buboy na tama na ito at magsalita na kami. Hindi pala sapat ‘yung nanahimik ka. Hindi rin sapat ‘yung paliwanag ni Buboy. It made it all worst talaga kaya mabuti naman at marami pa rin ang naniniwala na di kami naghihiwalay," mahabang pahayag ni Sunshine.



Inamin ni Cesar na napikon siya sa mga lumabas na balita. Aminado si Cesar na pumunta siya sa A1, pero isang oras lang daw siya nag-stay roon dahil inimbitahan siya ng isang kaibigan. Hindi rin daw totoo na nag-table siya ng dalawang babae.



Ayon kay Cesar, "Pinipigil nga ako ni Shine na masyadong mag-init sa issue kaya ‘yung unang TV crew na nag-interview sa akin, medyo napipikon ako sa mga tanong sa akin. Eventually, kumalma na ako kasi nga, nailabas ko na ‘yung mga gusto kong sabihin.



"Wala akong tinable na mga babae sa A1. Hindi ako mag-isa pumunta roon. Marami kami at ang nag-invite sa akin ay isang kaibigan namin ni Shine. Sa totoo lang, ayokong sumama that night. Napilitan lang ako kasi hindi ko mahindian ang kaibigan naming ‘yon. Sinabi ko naman na saglit lang ako at hindi ako magtatagal. 'Yun pala, simula na ‘yon ng kung anu-anong tsismis sa akin at sa asawa ko.



"Noong umalis ako papuntang LA, doon ako nag-text sa mga malalapit sa akin sa media. Nagpatulong ako na isulat na wala akong ginawang ikagagalit ng asawa ako. Ayokong masira ang pamilya ko nang dahil lang sa pagpunta ko doon.



"It turned out na iba pala ang interpretation ng marami sa text kong ‘yon. Naging defensive daw ako masyado. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko kasi wala ako rito, tapos si Shine ayaw niyang magsalita regarding the issue kasi ako naman daw ang involved at hindi siya.



"Pag-uwi ko naman, naging issue din ‘yung pagpunta ko ng Bohol na di kasama si Shine. Ang totoo niyan, gusto kong isama si Shine kasi kaibigan namin sa Bohol ang ipo-proclaim sa posisyon noong araw na ‘yon. Ayaw sumama ni Shine kasi walang maiiwan sa mga bata. Ang isinama ko ay ‘yung panganay namin, si Angelina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi totoong hindi ako dumaan sa bahay namin sa QC. Dumaan ako at sinundo ko si Angelina. Sa LA pa lang, nag-usap na kami ni Shine regarding sa pagpunta sa Bohol.



"Nagsanga-sanga na lahat ng mga kuwento kaya we decided na magsalita na. Hindi madali for us kasi parang idedepensa na naman namin ang pagmamahalan naming mag-asawa. Pero kung ito ang makakapagtigil sa mga mali at malisyosong balita about us, okay, gagawin namin. Para sa mga gustong paghiwalayin kami, sorry na lang at hindi kayo nag-succeed," mariing pahayag ni Cesar.



Pagkatapos daw ng lahat ng ito ay may planong magbakasyon ang mag-asawa. Masyado raw naging stressful ang nagdaang linggo para sa kanila.



"Magpapahinga muna kami," sabi ni Cesar. "Since dumating ako from the States, hindi pa ako napahinga nang husto. Magbabakasyon muna kami ni Shine at baka magawa na namin ang ika-apat naming baby!"



"Si Misis lang ang ayaw, pero ako gusto ko na! Basta tingnan natin ano ang mangyayari pagkatapos ng bakasyon namin!" natatawang pahayag ng aktor.



Nagulat si Sunshine sa sinabing ito ni Buboy, pero mabilis niya itong kinontra.



"Naku, ayoko! Maliit pa ‘yung pangatlo namin, ‘no! Ngayon pa nga lang ako nagpapahinga sa pagbubuntis, tama na muna. 'Tsaka may nakalagay sa akin na good for five years na di ako mabubuntis. Ewan ko na lang at baka kay Buboy masira ito!" tawa ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN