Model-endorser Alfred Vargas sees no rivalry with Piolo Pascual

IMAGE 0


"I don't think there has to be a rivalry pa sa ganyan. He did his part well. And now, ako naman ang sasakay sa natapos na niya... Ako naman, basta may pressure, I perform better," says Alfred Vargas (in photo) about being compared to Piolo Pascual.



After Piolo Pascual, si Alfred Vargas na ngayon ang endorser ng Hammerhead Jeans and Shirts. May bearing ba kay Alfred na ang sinundan niya bilang endorser ng apparel ay ang sikat at kapwa niya aktor na si Piolo?

"I would say na in terms sa narating niya in his career, masasabi kong idol ko si Piolo. Kasi, nakita naman natin ang career moves niya, smooth. Tapos nagkaroon pa ng awards and now, [he is] one of the more successful actors that we have. So in terms of that, ‘yung ganung path din kung sakali ang gusto kong madaanan," pahayag ni Alfred sa launching niya bilang endorser ng Hammerhead kahapon, July 10, sa Barrakz Bar.

Hindi ba magiging pressure kay Alfred na sundan ang isang napaka-successful na endorser?



"I love pressure, e," kampante niyang sagot. "I don't think there has to be a rivalry pa sa ganyan. He did his part well. And now, ako naman ang sasakay sa natapos na niya. Masaya na kami na pinagkatiwalaan kami para i-promote ang kanilang mga produkto. Ako naman, basta may pressure, I perform better."

Napi-pressure na rin ba si Alfred na magkaroon na ng konkretong plano sa balita na ring pagbabalikan nila ng girlfriend niyang si LJ Reyes?

"As far as that is concerned, ayaw ko munang magsalita ng mga bagay-bagay. Sa nangyayari sa amin ni LJ ngayon, mas gusto na lang naming for things to flow naturally. Dito ko siguro masasabing hindi kailangan ng pressure. Kasi nga, we both are focused ngayon sa mga bagay na kailangan muna naming harapin. Ako, sa career ko at sa businesses na nag-i-invest ako. Siya, sa career din niya and her studies," sabi ng hunky actor.

Isa sa labing-dalawang partners ni Allan K. sa Barrakz bar si Alfred. Bukod dito, kasama rin ang sexy actor sa korporasyon ng mga nakikita nating nagsusulputang maliliit na kiosks sa malls na ang pangalan ay Vente, kung saan lahat ng mabibili ay twenty pesos lang ang halaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nakatakda nang magsimula ng shooting si Alfred para sa pelikulang Banal ni Cesar Policarpio, na intended for the 2007 Metro Manila Film Festival. Balita na makakasama niya sa pelikulang ito ang kontrobersiyal na Pinoy Big Brother ex-housemate na si Wendy Valdez.

"Naiintriga nga ako sa kanya. Marami nga akong naririnig na feedback. She must be an interesting personality," pahayag ni Alfred tungkol kay Wendy.

Hindi kaya pagsimulan na naman ng selosan nila ni LJ ang pagsasama ng sexy actor at ni Wendy?



"Ang love, kahit na second, third, fourth, o fifth time around pa is always the loveliest. I don't think mauulit pa ang nangyari before," sagot ni Alfred.

"Ang mga lalake naman nakakagawa ng mga pagkakamali. Ang importante naman, you recognize and accept that. Pagkatapos, learn to correct the mistake at huwag mo na nga ulitin pa for you to earn the trust of the one you love at hindi na uli mawala ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN