Rudy Fernandez's cancerous stomach tumors now gone

IMAGE 0


Action star Rudy Fernandez had a check-up earlier today. The ultrasound tests found that cancerous tumors in his stomach are gone.



Gustong pasalamatan ng aktres na si Lorna Tolentino ang lahat ng mga nagdarasal para gumaling ang kanyang asawang si Rudy Fernandez.



Matinding kasiyahan ang nararamdaman ngayon ni Lorna dahil sa check-up kanina kay Rudy, wala na ang cancerous tumors sa kanyang tiyan.



Ibinalita ni LT sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na base sa dalawang araw na ultrasound test kay Rudy, tatagal na lamang hanggang September ang chemotherapy sessions ng kanyang asawa.



Kapag natapos ang chemotherapy, umaasa si LT na tuluy-tuloy na ang paggaling ng periampulllary cancer ng kanyang mahal na mister.



Hinihiling ni Lorna sa mga nagmamahal sa kanila na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa paggaling ng aktor.



"Please continue to pray for him. Thank you so much for your fervent prayers, support, and concern. Praise God!" sabi ni Lorna sa kanyang text message sa PEP.

Balita ring handa nang sumabak muli si Rudy sa harap ng kamera. Nakipag-meeting na diumano ang action star sa GMA-7 executives para sa susunod niyang proyekto sa Kapuso Network. Malamang daw ay sa September na magsisimulang mag-taping si Rudy para sa isang telenovela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN