Anne Curtis indirectly admits her relationship with Sam Milby

IMAGE 0


In a polygraph test conducted at the taping of Boy & Kris, young actress Anne Curtis hinted that there is indeed something going on between her and Sam Milby.



Matagal-tagal na rin ang usap-usapan tungkol sa relasyon diumano nina Anne Curtis at Sam Milby, pero walang kumpirmasyon mula sa dalawa. Kadalasan, "we're just good friends" lang ang nagiging sagot nila sa mga nag-uusisa tungkol sa kanilang relasyon.

May mga balita ring madalas magkasama sina Anne at Sam maliban sa kanilang trabaho. Hindi man kumpirmado ang mga balitang ito, sinasabing sweet sa isa't isa ang magkapareha sa Maging Sino Ka Man tuwing nakikita sila.

Pero tila hindi na maitatago nina Anne at Sam ang tunay nilang nararamdaman para sa isa't isa. Sa bibig na rin nila mismo nanggagaling ang kumpirmasyong hinihintay ng kanilang mga tagahanga at ng entertainment press.

Sumailalim si Anne sa polygraph test sa taping ng morning program ng ABS-CBN na Boy & Kris kahapon, July 10. Kung pagbabasehan ang resulta ng nasabing polygraph test, lumalabas na may namamagitan na kina Anne at Sam higit sa pagiging magkaibigan.

Nang tanungin si Anne kung totoong naging mas close sila ni Sam noong nasa Thailand sila, walang kagatul-gatol na sinabi ng young actress na "Yes!"

Sa tanong naman kung nagsabi na sa kanya si Sam ng "I love you," hindi ang sagot ni Anne. Pero ayon sa lie detector equipment ay nagsisinungaling ang young actress. Kaya biniro siya ng co-host ng Boy & Kris na si Kris Aquino ng "You're a liar!"

Nang hingan ng paliwanag si Anne, sinabi niyang "Siguro nag-‘I love you' na siya sa Maging Sino Ka Man, ganyan lang. Pero hindi sa personal"

Sa kabila nito, hindi pa rin kumbinsido si Kris sa paliwanag ni Anne dahil nakita raw nito sa mga mata ng young actress na hindi siya nagsasabi ng totoo.

Sa huli, bumigay na rin si Anne dahil nang tanungin siya if it's true that she can't live without Sam, ito ang kanyang naging sagot: "I must rather have him in my life. Yes!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN