Sam Milby gets involved in a minor vehicular accident

IMAGE 0


Matinee idol Sam Milby figured in a vehicular accident yesterday, July 10, when his Toyota Sequioa was hit by an FX. Sam did not sustain any serious injury.



Nakasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Say Alonzo sa ABS-CBN yesterday afternoon, July 10. Late na raw siya sa kanyang Boy & Kris taping.

Naibalita niya sa amin na ang isa pang guest sana for the episode na si Sam Milby ay hindi makakarating. Naaksidente raw kasi ang sinasakyang kotse ng matinee idol nang nabangga ng isang FX kahapon ng madaling-araw.

Total wreck daw ang harapan ng kotse ni Sam na isang Toyota Sequioa, sabi ni Say.

Nag-text kami sa manager ni Sam na si Eric Raymundo to get more details about the vehicular accident.

"Minor car accident," sabi ni Eric. "He [Sam] got hit by an FX but he can still use his car."

Kuwento ni Eric, bandang alas-singko ng umaga, habang binabagtas ni Sam ang kahabaan ng C5 sa Taguig ay may isang Toyota Tamaraw FX ang nag-illegal U-turn sa may intersection ng Kalayaan Avenue at sumalpok sa kotse ni Sam.

Kasama ni Sam ang kaibigan niyang si Liz Uy, ang associate fashion editor ng Preview Magazine at girlfriend ng kasamahan ni Sam sa ASAP '07 na si John Lloyd Cruz. Nagkaroon daw ng galos si Liz and the police who responded to the accident suggested na dalhin sa hospital si Liz to make sure wala siyang pinsalang tinamo internally.

Paliwanag ni Eric, "Sam and Liz were with a bunch of friends at Embassy [Bar, sa The Fort], then Sam gave Liz a ride because she lives in Ortigas and Sam stays in Pasig."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN