Rosanna Roces: "The old Osang is dead!"

IMAGE 0


Rosanna Roces, who is known for her combative ways, narrates the positive changes she has made in her life. She vows to be silent amidst intrigues.



Ibang Rosanna Roces ang tumambad sa entertainment press sa launching ng pinakabagong Sine Serye ng ABS-CBN, ang Natutulog Ba ang Diyos?, kagabi, July 11, sa ABS-CBN compound.



Kung dati ay kadalasang may anghang ang mga kasagutan ni Osang sa mga tanong sa kanya, ngayon ay may halo nang lambing sa mga sagot niya, kahit na ang most intriguing questions.



"Mas maganda kasi ngayon, tigilan na ang mga awayan, magmahalan na lang. Sa mga dumating na bagyo sa buhay ko, doon ko natutunan na magpakumbaba. Masarap din pala ‘yung manahimik. Kaya kahit na ano ang ipukol na isyu sa akin, mas pinipili kong huwag na lang sagutin. I found religion in silence. In-enjoy ko na lang ang buhay ko bilang lola. Now, mas proud ako na naging humble ako.



"Kasi now," patuloy niya, "kung kailan nga ‘yung nasasabihan akong down and out na, laos na, at saka naman dumarating at bumubuhos ang mga blessings. Proud ako before, di ba? Sikat ako, e. Napatunayan ko na mahusay pala akong artista. Nagkaroon ng awards, ng rewards. Akala ko ganun lang ‘yon, na hanggang doon lang ‘yon.

"At saka dati, wala rin akong pakialam. Kasi nga, ecstasy ang nagpapa-high sa akin. Ngayon, I found myself in the Lord. Na dati, kung pasalamatan ko man sa mga tinatamasa kong mga blessigs sa buhay ko, minsan-minsan ko lang naaalala, at maalala man, sa huli na lang."



Love and forgiveness, present na ba ang mga ito sa buhay ni Osang ngayon?



"Loving, oo naman!" bulalas niya. "Ako pa! Kaya nga iba-iba ang mga tatay ng mga anak ko, e!

"Forgiveness, sabi ko nga, magmahalan na lang tayo, huwag nang mag-away-away."



Gaya ba ng naging pagtanggap niya kay Dina Bonnevie na minsan niya ring naituring na kaaway o kagalit sa industriya? Magkasama ang dalawa sa Natutulog Ba Ang Diyos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Taong-tao siya. Tao rin siya and a mother just like me. Hindi gaya ng nababasa mo lang in print. Iba pa rin pala talaga kapag nakita at nakausap mo na mismo ‘yung tao. Kasi totoo na, hindi na kayo umaarte. Kaya nung magkaroon kami ng chance na magkausap, we found out na there are things na we share, na common sa pagiging mga ina namin. Although ang bonus ko naman, e, ang pagkakaroon ko ng apo kong si Budoy. At saka namin na-realize and na-prove na ang away na namagitan sa amin noon, e, gawa-gawa na lang ng mga tao."



Ano namang pagbabago ang naganap sa buhay ngayon ni Rosanna?



"Ako ang naglaro sa tadhana, hindi ako ang nilaro nito. Recently nga, I found ‘yung true love sa Panginoon—God's love. Noon kasi, hinananap ko ang pagmamahal na ‘yon sa mga taong nasa paligid ko—sa father ko, sa family ko, sa mga friends ko. E, ngayon, masasabi ko na ‘yung Rosanna Roces noon is dead!

"‘Yun, deliverance. ‘Yung mga negatibong bagay sa buhay ko, naiwaglit na. Wala nang drugs. ‘Yung mga suicide attempts, ‘yung pag-inom ng pills para laging gising o kaya, e, para makatulog, wala na ‘yon. Ang mga anak ko at apo na ang iniikutan ng buhay ko ngayon. Iyon para sa akin ang love na masasabi kong nasa buhay ko ngayon.



"Hindi lang ako sa sarili ko nangangakong wala na akong gagawing kalokohan. Pati na sa inyong lahat. Kaya balik-trabaho na ako ulit. Kaya masarap na ang pakiramdam ko na makita rin ang mga old friends ko, lalo na ang mga kaibigan ko sa press."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN