Insiders confirm and deny reports about Angel Locsin's rumored transfer to ABS-CBN

IMAGE 0


Speculations continue about whether Angel Locsin will move to ABS-CBN or stay in GMA-7. It was confirmed that the Kapamilya Network has given her an offer, but it's not true that it's worth three times more than she gets in the Kapuso Network.



Hindi pa rin matapus-tapos ang usapang paglipat ni Angel sa ABS-CBN once she returns from London. Sanga-sanga na ang balita rito kung totoo nga bang lilipat siya sa Kapamilya station or will stay as a Kapuso.

Kahit ang pagbabalik ni Angel sa Pilipinas, pabago-bago na rin. Una, two months daw siyang mawawala to take a short-term designing course sa London. Nabago ito bago siya umalis. Isang buwan na lang daw, fueling the rumor na baka hindi nga raw siya nakapasa sa entrance test ng papasukan niyang school, which Angel declined to answer during her last interview. Yesterday, naibalitang next week, babalik na raw mula sa Pilipinas si Angel.

Bali-balita ngayon na mag-a-announce na rin ang ABS-CBN ng paglipat ni Angel, but no one can confirm this.

Dalawang bagay lang ang sigurado: Una, may offer nga ABS-CBN kay Angel at, ikawala, hindi triple ang offer sa kanya.

Sa text sa amin ni Becky Aguila noon, when we asked her point-blank kung may offer ang ABS-CBN kay Angel, she said there was no such offer and no negotiation between Angel and ABS-CBN. Naisulat namin ito rito sa PEP, verbatim.

That time pala, kuwento ng isang manunulat at contributor sa PEP, si Lolit Solis na mismo ang makapagkukumpirma na may offer nga ang ABS-CBN kay Angel, ang Daddy's Angel.

Tinawagan daw si Manay Lolit kasi noon ng ABS-CBN para kunin ang isa niyang talent na si Christopher de Leon para magbida sa nasabing soap. Tinanong ni Manay Lolit kung sino ang makakasama ni Boyet at ang sagot sa kanya, si Angel nga raw.

Recently, nag-iba na ang PR slant. Kahit kailan daw, hindi nag-deny ang kampo ni Angel na may offer ang ABS-CBN kung kaya't nai-forward namin sa mga nakabasa ng denial na naglabasan sa tabloid ang actual message ni Becky.

Sa presyong ibibigay naman kay Angel, naglalabasan na ngayon mula pa rin sa kampo niya na triple raw ang alok ng ABS-CBN sa young actress. Meaning, triple ng nakukuha ni Angel sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang production manager ng GMA-7 at isang insider mula sa ABS-CBN ang sumagot nito sa PEP.

"No, one hundred fifty thousand pesos lang [per taping day] ang offer kay Angel ng ABS," sabi sa amin ng GMA-7 production manager.

"We should know, we asked her sa last meeting namin kung magkano ba ang ibinibigay na alok sa kanya ng ABS," dagdag ng GMA-7 PM na present sa last meeting between GMA-7 and Becky Aguila.

Confidentially, sinabi sa amin ng PM kung magkano ang natatanggap ni Angel per taping day sa GMA-7—a little lower lang sa offer ng ABS-CBN, making Angel the highest paid female star of GMA-7, bar none. Ayaw ipasulat ng kausap namin kung magkano ang actual na natatanggap ni Angel, pero six figures pa rin at hindi rounded as in a hundred thousand.

"One hundred fifty thousand nga lang ang offer ng ABS kay Angel and that's very high na considering some of our princesses of Primetime Bida don't get that much," sagot naman ng insider ng ABS-CBN na kinausap namin.

"It could never be triple dahil kapag triple, we're talking of three hundred thousand or more per day. Mas mataas na siya kina Mang Dolphy, Aga [Muhlach], Sharon [Cuneta], and even Juday [Judy Ann Santos]. Unfair naman ito sa iba," dagdag ng insider ng ABS-CBN.

May pahabol ang isa pang PM ng GMA-7 regarding the issue. Kung totoo nga raw na ganito kalaki ang offer kay Angel, baka magsilipatan sa kanila ang mga big stars of GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN