Joey Marquez advises son Jeremy to "stick to his true priorities"

IMAGE 0


"He's not getting any younger. Sabi ko sa kanya, he has to decide. He has to stick to his true priorities," says Joey Marquez (left) about his son Jeremy Marquez (right).



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) and comedian na si Joey Marquez sa presscon ng Kung Ako Ikaw kahapon, July 11. Inusisa namin siya tungkol sa panganay niyang anak na si Jeremy Marquez.

Madalas kasing magkaroon ng isyu—good and bad—tungkol sa lovelife ni Jeremy. Since beterano na si Joey sa larangan ng pag-big, expected na magbigay ito ng words of wisdom sa kanyang anak.

"He's not getting any younger. Sabi ko sa kanya, he has to decide. He has to stick to his true priorities. 'Ano ba talaga, pulitika o pag-aartista? Hindi mo puwedeng gawing sabay. Pagiging binata o pagkakaroon ng anak o asawa? So, you have to pick one.'

"Ngayon, at the end of the day, mag-a-advice lang ako. Sundin mo man ako o hindi, hindi naman ako ang magiging kawawa, ikaw ‘yon."

Ano bang mga ugali ni Jeremy ang namana niya kay Joey at ano naman ang pagkakaiba nila?

"Kulang pa siya sa focus siguro, sa focus lang. Kasi ang pagkakaiba namin, nagsimula ako talaga sa ilalim. ‘Yung nadatnan nila, sa ibabaw. Nadatnan nila sa ibabaw na. E, ako, from being a janitor, nagawa ko na makaalis sa lugar na ‘yon. So I understand the value," paliwanag ni Joey.

Si Joey, nakilala noon bilang ladies' man. Ngayon ba ay tapos na ang pagiging chickboy niya?

"Hindi pa rin!" tawa niya. "Kasi ang pagiging lalake, hindi naman natatapos ‘yan, e. Natatapos lang ‘yan ‘pag ikaw ay bedridden na. Pero hindi naman nangangahulugan na ang pagiging lalake ay dapat bara-bara ka naman, hindi. Kailangan discreet. Mas discreet lang siguro ako ngayon kasi malalaki na ‘yung mga anak ko!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN