Life-changing experience for Regine Velasquez's biggest fan

IMAGE 0


Jason Quion (inset) arrived in Manila just to meet the boyfriend of his idol Regine Velasquez in Showbiz Central. From then on, the parlorista's life has changed. Aside from singing a duet with Ogie Alcasid, Jason was given the opportunity to become a regular performer at Allan K's comedy bars.



Nagbago na ang kapalaran ni Jason Quion, ang voice-alike ni Regine Velasquez na lumuwas ng Maynila para makita nang personal ang kanyang hinahangaan na singer. Ang Showbiz Central ang gumawa ng paraan kaya nakaluwas ng Maynila si Jason.



Hindi man na-meet ni Jason si Regine, nagkita at naka-duet naman niya sa Showbiz Central noong nakaraang Linggo, July 8, ang boyfriend ni Regine na si Ogie Alcasid. Nasa Australia at that time ang Asia's Songbird.



Mula nang mag-guest siya sa Showbiz Central, nagbago na ang takbo ng buhay ni Jason. Hindi na babalik sa Iligan City si Jason dahil inihatid na siya kanina, July 12, sa tahanan ni Allan K. na nangako na tutulungan niya ang aspiring gay singer.



Ang head researcher ng Showbiz Central na si Doc Gamboa ang sumundo kay Jason sa Iligan City at siya rin ang nagdala sa school dropout sa Klownz para mag-audition kay Allan.



Humanga si Allan sa talent ni Jason sa pagkanta kaya inampon niya ang big fan ni Regine.



Dati-rati, twenty pesos hanggang fifty pesos ang araw-araw na kita ni Jason bilang parlorista sa Iligan City. Pero dahil sa tulong ni Allan, makakatikim na si Jason ng araw-araw na suweldo na aabot sa daan-daang piso bilang singer sa mga branch ng Klownz at Zirkoh.



Na-discover ng Showbiz Central si Jason dahil sa mga videos nito na naka-post sa You Tube.



Ang mga kaibigan ni Jason sa Iligan City ang nag-post sa You Tube ng mga video niya (entitled "Jason Regine Velasquez") dahil naniniwala sila sa talent ni Jason at malayo ang mararating nito kapag may naka-discover sa kanya.



Malayo na nga ang narating ni Jason dahil literal na malayo ang Iligan City sa Quezon City. Malaki na ang pag-asa niya na makaahon sa hirap dahil sa break na ibibigay sa kanya ni Allan.



Ulila sa mga magulang si Jason at panganay sa tatlong magkakapatid. Napilitan siya na umalis sa bahay ng kamag-anak na kumupkop sa kanya dahil hindi nila matanggap ang pagiging bakla niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Malungkot ang buhay ni Jason. Naranasan daw niya na mabugbog ng kanyang kamag-anak na galit dahil gay siya.



Huwag tayong magtaka kung hindi na makaranas ng pang-aapi si Jason mula sa mga tao na nang-api sa kanya dahil sa malaking break na ipagkakaloob ni Allan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN