Jake Cuenca comfortable working with his girlfriend's ex-boyfriend

IMAGE 0


"Hindi naman mahirap katrabaho si Joross. Hindi siya mahirap pakisamahan. Actually, ngayon lang kami naging close ni Joross. Sobrang bait ni Joross. He's a good actor. Ako, wala talagang problema kay Joross," says Jake Cuenca about Joross Gamboa (inset, with Roxanne Guinoo).



Nakatulong ng malaki ang pagsasama nina Jake Cuenca at Joross Gamboa sa bagong Sine Serye ng ABS-CBN na Natutulog Ba Ang Diyos?. Dahil dito, nawala ang ilangan sa pagitan nila. Pareho kasi silang may kaugnayan sa leading lady nila sa serye na si Roxanne Guinoo—si Joross ay ex-boyfriend ng young actress samantalang si Jake naman ang rumored boyfriend ngayon ng dalaga.



"Hindi naman mahirap katrabaho si Joross," sabi ni Jake. "Hindi siya mahirap pakisamahan. Actually, ngayon lang kami naging close ni Joross. Sobrang bait ni Joross. He's a good actor. Ako, wala talagang problema kay Joross.

"Masaya naman kaming tatlo. Masaya ‘yung bonding naming tatlo sa set. We support each other.

"Kami naman kami ni Joross, magka-edad naman kami kaya nagkakasundo kami. Okay naman kami."



Nabanggit din ni Jake na magkatabi silang natutulog sa kama ni Joross sa taping ng Sine Serye nila with Dina Bonnevie and Rosanna Roces.

"Oo!" sabay tawa niya. "Ilang araw na kaming walang tulog. Iisa lang kasi ‘yung kama. E, may sariling kuwarto ‘yung boys, may sariling kuwarto ‘yung mga babae. Sabi ko [kay Joross], ‘Tabi na lang tayo.' Kaya ayun, magkatabi kaming natulog."



Paano nawala ‘yung ilangan sa kanila ni Joross?



"Wala naman, e. I mean, kasi bago pa ang lahat, nag-workshop po kaming tatlo. So, dun pa lang, pagkatapos ng workshop namin wala nang ilangan talaga," sabi ni Jake.



Ano naman ang masasabi ni Jake sa pag-amin ni Roxanne na special siya sa puso ng dalaga? Mahal ba talaga niya si Roxanne?



"Yeah," mabilis na sagot ni Jake. "Basta ako naman, pina-promise ko na aalagaan ko siya parati. Alam naman niya ‘yon. Nandito ako para sa kanya all the time. At the same time, parang gusto ko ring maging [good] influence sa kanya na we can both work hard. Kaming dalawa, we both feel blessed right now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, alam ni Jake na may limistasyon ang relasyon nila ni Roxanne.

"Alam namin ang priorities namin. At the same time, we just motivate each other to work harder. Pero ako, I can say I've never been happier," pahayag ng young actor.



Sa isang episode ng Boy & Kris ay inamin ni Jake na "exclusively dating" na sila ni Roxanne. Ibig bang sabihin ba nito ay sila na talaga?



"I mean, hindi naman namin idinedenay na lumalabas kami. Pero wala rin naman akong sinasabi na kami na. Wala pa," aniya.



Hindi rin ikinaila ni Roxanne ang pagbabantay niya sa taping ni Jake, na ikinatutuwa naman ng binata.



"Sa lahat naman ng gestures na ibinibigay sa akin ni Roxann, e na-touch ako kasi, I mean, masaya ako. Seryoso. Kahit tanungin ninyo, kahit gaano o ilang araw na akong puyat basta makita si Xanne, okay na ako."



Darating next week ang parents ni Jake from Spain kung saan naka-based ang mga ito. Alam na ba nila ang tungkol kay Roxanne?



"Oo naman," sagot niya. "Masaya sila kasi alam naman ng Mommy ko pagdating sa relationship, pagdating sa mga dating-dating, hindi ako makuwento. Pero kinuwento ko sa Mommy ko si Roxanne. At gusto rin siyang makilala ng Mommy ko," pagtatapos ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN