Rhian Ramos reacts to her fans' withdrawal of support

IMAGE 0


"I've talked to them and although I know what their action will be, hindi naman lahat sumama sa kanila. Okay lang, marami pa naman akong ibang fans na sumusuporta sa akin," says Rhian Ramos about fans who withdrew their support for her.



"Controversial" ang description kay Rhian Ramos na nag-host sa second general presscon ng horror film na Ouija kagabi, July 12, sa Plaza Ibarra. Napalaki nga kasi ng Rhianaddicts, ang napaka-aggressive na fan club ni Rhian, ang issue sa pagtitiwalag nila. Nagsimula sa Internet via email and You Tube (kung saan kinunan pa nila ang pagsunog nila sa banner ni Rhian), na pick-up ito ng mga diyaryo at TV na rin.

Cool lang si Rhian na nagpa-interview sa labas pa lang ng Plaza Ibarra bago sila pumasok na magkakasama nina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, and Iza Calzado.

Una niyang sinagot ang akusasyon ng mga Rhianaddicts na may namamagitan daw sa kanila ni Mo Twister.

"No, we're just friends, hindi siya nanliligaw sa akin," say ni Rhian in front of the TV crew. "There was a running joke prior to my guesting sa radio show niya [last Tuesday] na nagkakagustuhan kami but that's just it."

Naiintindihan din niya ang galit ng mga fans niya about this.

"Guys, I still love you," sabi ni Rhian in front of the camera pertaining to her fans. "Alam ko naman kasi na mahal nila talaga ako, but I've been explaining to them na it's just a running joke for Mo's show."

Para raw kasing sumobra ang pagiging possessive ng mga fans niya dahil ito rin ang nangyari noon nang na-link siya sa Fil-British football player na si Philip James Younghusband.

Ayon na rin kay Rhian, Phil went back to England two weeks ago and there has been no communication na between them although Phil has her number.

Back to her fans, sana raw maintindihan nila na walang namamagitan sa kanila ni Mo.

Sa tanong na iniwanan na nga siya ng mga Rhianaddicts, hindi naman daw lahat.

"I've talked to them and although I know what their action will be, hindi naman lahat sumama sa kanila. Okay lang, marami pa naman akong ibang fans na sumusuporta sa akin," sabi ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN