MTRCB Chair Laguardia under protest by employees

IMAGE 0


Chairperson Consoliza Laguardia is under fire by MTRCB employees who claim she has violated some rules and abused her power.


Nakikiusap sa media ang mga empleyado ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na huwag munang magsulat tungkol sa hidwaan nila at ni MTRCB Chair Consoliza Laguardia.



Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang apela ng MTRCB employees na nagsabi na nakikipag-usap na sa kanila si Chair Laguardia para maayos ang mga differences nila.



Ayon sa source ng PEP na mula sa opisina ng MTRCB, iniyakan ni Laguardia ang mga balitang lumalabas sa mga pahayagan tungkol sa protesta ng mga empleyado laban sa kanyang pamamalakad sa MTRCB. Hindi raw siya sanay na masangkot sa mga gulo at kontrobersiya.



Umaapela sa media ang mga empleyado ng MTRCB dahil bukod sa inaayos ni Laguardia ang mga problema, nagpadala na sila ng sulat sa MalacaƱang upang iparating kay President Gloria Macapagal-Arroyo ang kanilang mga hinaing laban sa violations diumano ng MTRCB head.



Ilan sa mga inirereklamo ng mga empleyado ang pagpayag diumano ni Laguardia na mabigyan ng General Patronage (GP) classification ang Hollywood film na Transformers sa kabila ng violent scenes nito, at ang paggamit diumano ng MTRCB Deputy Card ng kanyang menor de edad na anak.



Bukod sa mga nabanggit na dahilan, inaakusahan din si Chair Laguardia na may pinapaboran siyang mga movie producer, isang bagay na mahigpit naman niyang pinabulaanan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN