"Wowowee" host Willie Revillame says he doesn't meddle with his co-hosts' affairs

IMAGE 0


Willie Revillame clarifies that he doesn't interfere with the personal and professional affairs of his Wowowee co-hosts. "Kung may pipigil man o magdedesisyon para kay Roxanne, si Mr. M (Johnny Manahan, ABS-CBN Star Magic's head] ‘yon at hindi ako," he explains.



Mariing itinanggi ni Willie Revillame sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita na siya ang pumigil sa co-host niya sa Wowowee na si Roxanne Guinoo na huwag tanggapin ang offer na makapareha siya ni Bong Revilla sa pelikulang Resiklo.

"Huh?!" nagtatakang reaksiyon ni Willie. "Ni hindi ko nga alam na may pelikula si Bong, e. Wala akong kaalam-alam doon. At kung may pipigil man o magdedesisyon para kay Roxanne, si Mr. M (Johnny Manahan, ABS-CBN Star Magic's head] ‘yon at hindi ako."

Masaya raw siya sa mga kasamahan niya sa show kapag may mga offers na dumarating sa kanila. Pero ang mga co-hosts niya at manager nila ang makikipag-usap sa business unit head ng Wowowee na si Ms. Cynthia Jordan.



May mga pagkakataon pa na nagugulat na lang si Willie kapag wala ang isa sa co-hosts niya on that day at saka lang niya malalaman ang dahilan. Pero never daw siyang nakialam pagdating sa career ni Roxane, gayundin ng isa pa niyang co-host na si Mariel Rodriguez.



Nalaman din namin kay Willie na hindi na muna sila kukuha ng isa pang additional co-host. Naniniwala si Willie na kayang-kaya na nina Mariel at Roxanne kahit silang dalawa lang ang co-hosts niya sa show.

"Kaya naman nilang dalawa, e. Saka nakikita ko kahit wala ‘yung isa, kayang-kaya nila magsolo. Kaya bakit pa kukuha ng isa pa?" paliwanag ni Willie.

Tila nabunutan naman ng tinik si Willie sa paglilinaw ni Janelle Jamer tungkol sa pag-alis niya sa Wowowee. Sa interview kasi ni Janelle sa Showbiz Central last week ay pinabulaanan nitong may kinalaman si Willie sa kanyang pag-alis sa programa at hindi rin daw totoo ang nabalitang relasyon diumano nila.



"E, wala naman talaga siyang masamang sasabihin sa amin dahil wala naman kaming ipinakisama sa kanya na di maganda," sabi ni Willie.

Overjoyed si Willie sa napakainit na pagtanggap ng mga manonood sa Wowowee, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na sa ibang bansa. Muli itong napatunayan ni Willie sa katatapos lang na show ng Wowowee sa Chicago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pagkatapos ng Chicago show nila, they were supposed to proceed to Hawaii. Pero nakatanggap ng tawag ang staff ng Wowowee mula sa ABS-CBN management na bumalik na agad sila ng Pilipinas. Itutuloy na lang daw nila ang pagpunta sa Hawaii next year. Pero bago mag-Hawaii, babalik muna ng Las Vegas ang Wowowee sa Setyembre.

Samantala, umaapela pa rin hanggang ngayon ang ABS-CBN management sa three-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa show ni Willie. Nakahanda ang management na gawin ang kaukulang hakbang para mapawalang-bisa ang naging desisyon ng MTRCB sa Wowowee.



Naniniwala ang ABS-CBN management na walang nilabag sa mga guidelines ng MTRCB ang show at wala silang kasalanan dahil isang aksidente ang pagbaba ng garterized blouse ng young star na si Eda Nolan habang sumasayaw sa isang production number.



On a personal note, tinanong din ng PEP si Willie sa development ng annulment case na isinampa ng misis niya na si Liz Almoro laban sa kanya.

"Ongoing pa rin. Hindi kami nagkikita. ‘Yung mga lawyers namin ang nag-uusap. Pero regular naman niyang pinapahiram sa akin ang anak namin, si Juamee, every Saturday," sabi ni Willie.



Sa nalalapit na mga buwan, magiging isang ganap na lolo na si Willie. Nakatakdang magsilang ang kanyang panganay na anak na si Meryll Soriano sa anak nila ng hiniwalayang asawa na si Bernard Palanca sa September.



"Hindi ko siya kasama sa bahay, pero lagi naman kaming nag-uusap ni Meryll. Siyempre, excited ako sa magiging anak ni Meryll, e, unang apo ko ‘yon. Biro mo, lolo na ako at 46!" sabay tawa ni Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN