Hi! magazine releases irresistible mid-year report

IMAGE 0


Hi! magazine features photos of Judy Ann Santos going sexy during the celebration of her 20th showbiz anniversary at the Araneta Coliseum.


Kasabay ng pagpasok ng tag-ulan sa bansa, bumabagyo naman ng intriga ang bagong issue ng Hi! magazine.

Isang malakas na buhos ng mga isyu ang dala ng mid-year report ng Hi! ngayong Agosto. Masusing pinili at inalam kung alin ang mga nangunguna at maiinit na intriga at iskandalo na lumabas mula sa local showbiz sa loob ng anim na buwang nakalipas

Matatangay din kayo sa cover dahil sa sexy transformation na ginawa ni Judy Ann Santos nang mag-celebrate siya ng kanyang ika-20 anibersaryo sa showbiz, sa Araneta Coliseum. Kitang-kita sa mga larawan kung paano mag ala-Beyoncé at Pussy Cat Doll ang aktres sa hot opening number niya.

Samantala, naging intrigero naman ang Hi! magazine nang tanungin nila ang young actress na si Jennylyn tungkol sa kanyang kontrobersyal na boyfriend. Alamin kung totoong natutulog si Patrick sa loob ng kaniyang kuwarto.

At bilang panghuli, ipakikilala ang Starstruck 4 Ultimate Sweetheart na si si Jewel Mische bilang isa sa mga rising star ngayon. Kilalanin siya up close and personal, at alamin kung bakit niya naisipang pumasok sa showbiz.

Wait a minute, hindi pa riyan natatapos ang sorpresa—bilang masusugid na reader ng Hi! at PEP (Philippine Entertainment Portal), mamimigay ang Hi! ng libreng kopya ng pinakabago nitong isyu ngayong Agosto.

Sagutin lamang ang katanungang ito: Magkano ang selling price ng Hi! magazine?

O, sobrang dali, di ba? Kaya unahan na kayong mga PEPsters sa pagsagot sa comments column! Ang unang 30 PEPsters na makakasagot ng tama ay makakakuha ng libreng kopya ng August issue ng Hi! magazine. Paki-check lamang kung kabilang ang sagot ninyo sa top 30, kung ang sagot ay oo, huwag kaligtaang ipadala ang iyong home address at totoong pangalan sa email na info@pep.ph.

Sa mga hindi mabilis ang kamay sa pag-type, huwag mag-alala out na ang bagong issue ng Hi!, so grab a copy now!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN