Family and friends throw surprise birthday party for K Brosas

IMAGE 0


Comedienne K Brosas frantically rushed to a "press party" where she was supposed to sing last July 13. To her overwhelming surprise, she found her family and friends celebrating her birthday.



Esklusibong napuntahan ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) ang surprise birthday party para kay K Brosas noong Biyernes, July 13, sa Boysie's Bar sa Malate.

Hindi nakapagsalita ang komedyana nang dumating, tumulo na lang ang luha at yumakap sa kanyang mga bisita. Kumpleto ang kanyang mga malapit na kaibigan mula sa Kapuso Network, Backroom Inc. (ang nagma-manage kay K), at produksyong ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Muzical.

Espesyal ang gabing iyon dahil naroon ang unica hija ni K na si Crystal. Nagkaroon pa ng significant moment sa isang sulok ang mag-ina —niregaluhan ni Crystal ang celebrant ng isang crystal bracelet.

"Ang alam ko talaga pupunta ako sa isang show. Sabi ng handler ko, kakanta lang ako para sa isang party ng taga-press. Nainis pa nga ako dahil kanina pa tawag nang tawag na late na raw ako, sa kotse na lang nga ako nagbihis. Talaga lang, ilang beses talaga tumawag, ang kulit!" kuwento ni K.

"Pero pagdating ko, hindi na ako nakapagsalita. Grabe! Ito pa, paggising ko, walang tao sa bahay. 'Yung anak ko, wala. Hay! Nakakagigil talaga, talak na ako nang talak. Nasaan 'yung anak ko, umalis hindi man lang nagpapaalam, 'yon pala nandito," natatawang kuwento ng comedienne-singer.

Pero labis na nagpasalamat si K dahil wala naman daw talaga siyang balak mag-celebrate ng birthday. Nakakataba raw ng puso na naisip ng ilang kaibigan niyang pasayahin ang araw ng kanyang kapanganakan.

Hindi rin daw siya nalulungkot kahit wala siyang love life. Mas importante raw para sa kanya ang kasiyahan ng kanyang anak. Pero kung may darating, tatanggapin niya nang maluwag sa kanyang puso.

"Ready naman ako. Prepared. Pero hindi ‘yan hinahanap. Kusa ‘yan di ba?" sabi ni K.

Excited naman si K dahil mukhang matutuloy daw ang provincial tour ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Muzical. Matapos ang success nito sa entablado noong nakaraang buwan, naisip nilang dalhin ito sa iba't ibang parte ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko inaayos na. Hindi ko pa masabi ang detalye pero mukhang may magandang mangyayari sa play na Zaturnnah," pagtatapos ni K.

First time gumanap ni K bilang lead ng isang musical.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN