Judy Ann Santos insists she and Ryan Agoncillo are not living-in

IMAGE 0


"Siguro nagkakataon na dumadalaw ako kay Ryan o may dinadaanan kami sa bahay niya. But definitely, we are not living in," says Judy Ann Santos about rumors that she is living-in with boyfriend Ryan Agoncillo.



Hindi sa pabor si Judy Ann Santos sa pakikipag-live-in, pero wala naman daw siyang nakikitang masama kung sakaling subukang mag-live-in ng dalawang magkarelasyon bago sila pumasok sa pagpapakasal.



Dahil sa munting paniniwala na ito ni Juday ay may mga nagsuspetsa tuloy na nagli-live-in sila ng kanyang boyfriend na si Ryan Agoncillo. Madalas raw kasing makita si Juday sa bahay ni Ryan, na hindi naman itinatanggi ng young superstar.



"Oo, nandoon ako, pero hindi kami live-in," nakangiting pahayag ni Juday. "Siguro nagkakataon na dumadalaw ako kay Ryan o may dinadaanan kami sa bahay niya. But definitely, we are not living in. Unang-una, maloloka sa akin ang pamilya ko tapos si Tito Alfie [Lorenzo, her manager], baka talak-talakan ako for life. Kaya hindi totoo ang live-in issue na ‘yan."



Ilang beses na kasing natatanong kay Juday ang tungkol sa live-in kaya binabakla na lang niya ang mga sagot. Kapag seryoso niya kasing sagutin ang isyu, baka sabihin na sumasang-ayon siya sa ganong arrangement ng pagsasama.



Paliwanag ni Juday, "Ang sa akin lang, wala naman talagang masama lalo na kung ang ending ninyo ay magpapakasal kayo. Kaya nga minsan, ang tawag doon, trial marriage, di ba? Paraan din ‘yon para makita kung okay na ba kayo living under one roof. Kung may problema, baka maayos n'yo pa.



"But don't get me wrong naman. Hindi ko ipa-patronize ang ganyang pagsasama. Kumbaga, to each his own. Kung may friend ako na ang panananaw sa buhay ay ang pakikipag-live in, then I will respect her decision. Buhay naman niya ‘yon, e, kaya bahala siya. Basta ako masasabi ko lang, ‘Go! Enjoy!'" sabay tawa niya.



Samantala, wala pang official word tungkol sa pakikipag-meeting ni Juday kay Mr. Gabby Lopez ng ABS-CBN. Ayon kay Juday, matagal na raw naka-schedule ang meeting na ito, bago pa man nagsimula ang promo ng Ouija ng GMA Films at Viva Films. Kaya baka hindi raw ang pelikula nila ni Jolina Magdangal ang agenda ng meeting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag ni Juday, hindi raw siya magmamakaawa sa mga executives ng Dos para makapag-promote sila ni Jolens sa ABS-CBN. Tutal, okay naman na raw ang nagiging promo nila sa shows ng GMA-7 at may mga mall shows pa sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN