Viva Hot Babe Sheree exclusively dating singer Gian Magdangal

IMAGE 0


"We're in the 'getting to know each other' stage. We're not keeping the relationship, ipinapakita namin sa public, lumalabas kami, sweet kami. Siyempre, sa aming dalawa, alam namin ang ginagawa namin na di pa kami nagko-commit talaga," says Sheree about her relationship with Gian Magdangal.



When Aiza Marquez and Gian Magdangal broke up last year, hindi naiwasang nakapagbitaw ng masasakit na salita ang dalawa laban sa isa't isa. Gian honestly admitted na nawalan siya ng oras kay Aiza during last year's Philippine Idol. Lumabas naman sa interviews ni Aiza na marami siyang nadiskubreng kalokohan ni Gian noong sila pa.



In a previous interview, sinabi ni Aiza na ang bagong karelasyon diumano ni Gian ay ang Viva Hot Babe na si Sheree. Pero nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sheree sa ASAP '07 last Sunday, July 15, nilinaw niya na wala pang pormal na relasyon na namamagitan sa kanila ni Gian.



"We're exclusively dating, we go out," sabi ni Sheree. "We're in the 'getting to know each other' stage. We're not keeping the relationship, ipinapakita namin sa public, lumalabas kami, sweet kami. Siyempre, sa aming dalawa, alam namin ang ginagawa namin na di pa kami nagko-commit talaga.



"Regarding Aiza... Siyempre, wala naman talagang alam si Aiza kung kami na ba o hindi kasi sasabihin ba namin sa kanya na kami na or kailangan ba niyang malaman? Kami ni Aiza, okay kami, walang problema sa amin."
Ayon pa kay Sheree, matagal na raw silang magkakilala ni Gian, pero ngayon lang daw nila nadiskubre na their friendship can lead to something more special.



"Six years na kaming magkakilala. Nagkasama kami sa Little Mermaid, but siyempre at that time, bata pa kami. So ngayong nagkita kami uling dalawa, we started going out. He courted me last December pa up to now," kuwento ng sexy star.

Sa cliché na palusot ng mga taga-showbiz na "we're just friends," may pag-asa kaya si Gian kay Sheree?



"He's special to me," sagot niya. "Mabait naman si Gian, pero siyempre, nag-i-start pa lang siya. Magkaiba kami ng career path. Siya, nasa conservative side; ako sexy. Ayoko muna siyang idamay sa mga kaseksihan na ginagawa ko kasi ‘yung image niya, iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Saka ang dami kong pinagdaanan, gusto ko munang manigurado kung talagang seryoso si Gian sa akin o hindi. Isa sa mga concerns ko, gusto ko munang tingnan kung kaya ni Gian tanggapin ‘yung mga pinaggagawa ko kasi siyempre, importante din na tanggap niya ang trabaho ko. Kung di niya ito matatanggap, di kami para sa isa't isa.



"Gusto ko rin magkaroon muna kami ng maraming moments together, bonding. Gusto kong malaman kung talagang compatible kami sa isa't isa," sabi ni Sheree.



May balita na playboy si Gian at marami raw itong naka-one-night stand. Sa isang interview kay Aiza ay inamin nito na may ginawa raw na hindi maganda si Gian sa isang kaibigan niya at nagsumbong sa kanya. Aware kaya sa ganitong mga balita si Sheree tungkol sa Philippine Idol runner-up at SOP mainstay?



"Siguro sa time nila, pero so far, sa aming dalawa, seryoso naman si Gian. Wala akong nakikitang di maganda sa kanya and I trust him so much," pagtatapos na ni Sheree.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN