Proud mom Sharon Cuneta talks about KC Concepcion

IMAGE 0


Megastar Sharon Cuneta says her eldest daughter, KC Concepcion, who has just graduated from a Paris university, is still deciding whether to work here in Manila, in Paris or New York. "Well, she's a big girl now," says proud mother Sharon. "She's my big girl and she's coming home, a few weeks from now."



Sa thanksgiving party na ibinigay ng mag-asawang Sharon Cuneta at Senator Kiko Panglinan para kay Mother Lily Monteverde at sa entertainment press kagabi, July 17, sa restaurant na pag-aari ni Kiko—La Mesa Grill sa Trinoma Mall—kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Megastar ang panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Sa kasalukuyan ay nasa Paris, France, si KC kung saan nagtapos siya ng kursong BA in International Corporate Communications, minor in Theater Arts, sa American University of Paris.



"Si Kace, hindi ko pa alam kung ano ang mga plano niya sa buhay," sabi ni Sharon. "But I told her this... noong mag-graduate siya, I was so proud because I told her na, ‘You know, you've done whatever any parent would want for their children. Nakatapos ka ng pag-aaral mo and, more than that, nakatapos ka nang wala kang problemang idinulot sa amin.' Walang sakit ng ulo. Lahat ng manliligaw, kilala namin. Ipinakilala sa amin. Mga disenteng tao naman na napapadikit sa anak ko.



"Ang maganda pa, imbes na maimpluwensiyahan siya ng masama, naiimpluwensiyahan niya na mapatino ‘yung mga ‘yon. Iyon ang na-notice ko sa anak ko, kasi she has this strong personality. I wonder why kung saan siya nagmana," pagbibiro niya. Si KC ay anak ni Sharon sa una niyang asawa, ang dating matinee idol na si Gabby Concepcion.



"Well, she's a big girl now," patuloy ni Sharon. "She's my big girl and she's coming home, few weeks from now. I think, she's deciding if...well, she said, ‘Ma, I don't know if I wanna work in New York or I'll gonna go back to Manila or live in Paris.' Ang sarap, e, ano? But I think, if she's living in New York, I suppose she's thinking about Broadway.

"She's finished na, e, so I think, ang ginagawa na lang niya is enjoying Paris without the pressure of school. Pa-train-train siya. Punta siya ng Switzerland, dadalaw sa kaibigan. Kasi I've already given her... na after the graduation, I said, ‘What gift do you want from Mama?' And she was, ‘Oh Mama, ganito, ganyan...' And the minute we went to get it, she was so happy and I said, ‘Are you happy now? Congratulations! I love you!' That's it" natatawang kuwento ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi, kasi I'm happy. Kasi sabi nga niya, ‘Mama, hindi ako nag-drugs, hindi ako nagbuntis...' Parang I am so proud with the way she became. She's sweet and smart. Anuman ang happiness niya with her lovelife, I'm happy for her. Basta magaling pumili ang anak ko, ang ganda-ganda ng apo ko!" tawa niya ulit.



Ready na ba siyang maging lola?



"Ay naku, matagal na!"bulalas niya. "Pinipilit ko nga! Ang takot ko nga niyan, baka pipilitin mo pa, baka treinta na, ayaw pa! Anak naman?! Sasabihin ng mga apo ko, ‘Lola run after me' ‘I cannot run na hija!' Parang si Yaya Luring naman 'yan!"



"Pero hindi, joke lang. Honestly, whatever KC wants," habol niya.



But when asked about KC's lovelife, Sharon was quick to answer na pagdating sa bagay na ito, mas maganda na si KC na ang magsalita for herself. Especially now that her daughter naman daw is 22 years old na. KC is rumored to be in a relationship with young director Lino Cayetano.



"I know, she's seeing some great people," sabi ng Megastar. "But I think, it's great to talk to her. I swear, she's a darling to talk to. She's a darling, pero kapag may nag-hurt sa akin, parang mas magaling siyang magalit kesa sa akin. Ako, iyak muna; pero siya, hello!



"Pero pagdating sa lovelife niya, naku, siya na lang ang tanungin n'yo at ayokong magsalita. Twenty-two years old na siya!" natatawang sabi ni Sharon.

During the thanksgiving party ay may nagpakita kay Sharon ng special issue ng YES! magazine kung saan kasama sila ni KC sa listahan ng 100 Most Beautiful. Sharon was very grateful sa pagkilala sa kanilang dalawa ni KC.

"Oh, that's my sister! She's so blooming! That's my sister Judy Ann!" unang reaction ng Megastar upon seeing the face of her friend Judy Ann Santos sa cover ng YES! Special Issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wow! Thank you to YES! magazine. Thank you, thank you so much for acknowledging me and my daughter, too," masayang sabi ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN