Martin Nievera wants to end word war with Pops Fernandez

IMAGE 0


"I only wish that things will get better. Hindi na kasi maganda that we still dig up things from the past. Tapos na ‘yon, e. We're facing what's new today," says Martin Nievera about his rift with ex-wife Pops Fernandez



Nagdesisyon na si Martin Nievera na huwag nang pahabain pa ang away nila ng kanyang ex-wife na si Pops Fernandez kaugnay ng pagtawag diumano ng partner ngayon ng Concert King na si Katrina Ojeda ng "monkeys" kina Robin at Ram—mga anak ni Martin kay Pops. Ang desisyon ni Martin na tigilan na ang pakikipagsagutan kay Pops ay dahil sa text message ng panganay na anak nila na si Robin.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Martin bago ito isalang sa taping ng isang show sa GMA-7. Sinabi niya na ang mga statements niya sa The Buzz last Sunday, July 15, ay sapat na para maipaliwanag ang lahat. Ayaw na raw niyang pahabain pa dahil nasasaktan lang daw ang mga anak nila ni Pops.



"I received a text message from my son Robin," sabi ni Martin. "He was requesting that Pops and I to stop fighting on television and in print because it's not a good thing to see.



"My son has a point and ayoko rin namang umabot sa ganito ang differences namin ni Pops. It was something that wasn't planned or wasn't even part of why I came home [from the US]. Nagkataon na something came out and it was all blown out of proportion.



"Kahit naman ako, ayoko namang makipag-away with Pops. She's still the mother of my kids, Robin and Ram. I want to protect them as much I would like to protect my son Santino [Martin's son with Katrina]. I think, si Katrina, hindi na dapat siya nasasali pa rito because this is a family matter. I don't want to drag her into this because wala naman siyang kasalanan talaga. She doesn't need to explain anything to anybody," paliwanag pa ni Martin.

Nagsimula ang alitan nina Martin at Pops nang makarating sa Concert Queen na tinawag diumano ni Katrina na "monkeys" sina Robin at Ram. Ayon kay Martin, figure of speech lang daw iyon ni Katrina dahil ikinuwento ni Martin sa kanya na sa kakatalon daw nina Robin at Ram ay nasira ang kanyang kama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento raw ni Katrina sa kanyang kapatid na ang mga anak ni Martin "were jumping like monkeys on his bed and broke it in half."

Sa naging paliwanag ni Martin, nine years ago pa raw nangyari ang naturang insidente at alam daw ito ni Pops. Pero ayon naman kay Pops, nito lang daw niya nalaman ang insidente nang maikuwento sa kanya ng ilang kaibigan noong mag-concert tour sila ni Kuh Ledesma sa US recently.



Nang magkausap daw sina Martin at Pops over the phone tungkol dito, nauwi sa hindi maganda ang kanilang usapan at binabaan ni Martin ng telepono si Pops para raw matigil na ang away nila.



Since then ay hindi pa raw nagkakausap ang dating mag-asawa. Nagsalita na sa TV si Martin regarding the issue, samantalang tikom pa rin ang bibig ni Pops. Pero sa isang interview ni Pops ay sinabi nitong gusto lang niyang protektahan ang kanyang mga anak bilang isang ina.

Sa parte naman ni Katrina ay humingi na raw siya ng tawad kina Robin at Ram. "I'd just like to say that I've apologized to Robin and Ram for any words that were said that were taken out of context and Martin knows and the boys know that I would not say anything that would hurt Martin and the boys. I treat them like my own children," sabi ni Katrina sa interview sa kanila ni Martin sa The Buzz last Sunday.



"I only wish that things will get better," sabi ni Martin sa PEP. "Hindi na kasi maganda that we still dig up things from the past. Tapos na ‘yon, e. We're facing what's new today. The important thing is, I have a good relationship with my sons and my love for them has never changed. Kung ano ang pagmamahal ko kay Santino, ganun din sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"With Pops, I think hintayin na lang natin siyang magsalita. I already said my piece and it's her turn naman to say something, di ba? But since our son [Robin] asked us to stop, I will stop. Ayoko na rin pahabain ito. It's up to Pops if she still wants to clear things. Pero hindi ko na sasagutin ‘yon, para [matapos] na," huling pahayag ni Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN