US Embassy grants Jolina Magdangal special visa

IMAGE 0


Jolina Magdangal is only one of the few Pinoy celebrities awarded by the US Embassy a special visa as Alien of Extraordinary Ability. The multi-media star can work and stay in the United States if she wishes to.



Ipapaubaya muna ng multi-media star na si Jolina Magdangal sa iba ang mga proyektong na inilaan sa kanya ng GMA-7 dahil mas pagtutuunan nito ng pansin ang kanyang mga shows abroad. Ito ang pahayag ng ama ni Jolina na si Jun Magdangal sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



"Inaasikaso muna namin ngayon ang mga concerts ni Jolina sa US. Ipapaubaya na lang namin ang mga projects sa mga baguhan, tutal maraming mga projects si Jolina sa ibang bansa, tulad sa Amerika," sabi ni Daddy Jun.

Ngayong taon ay isang beses lang nakalabas ng bansa si Jolina. Ito ay para sa promotion ng GMA Pinoy TV sa US.



Nabanggit ni Daddy Jun na hindi mahihirapan ang kanyang anak sa paglabas-masok sa US dahil pinagkalooban si Jolina ng gobyerno ng Amerika ng isang special privilege bilang Alien of Extraordinary Ability. Isa itong permit para magpabalik-balik sa US ang mga hindi US citizen na nag-e-excel sa kanilang propesyon. Bukod pa rito, may pribilehiyo rin sila na tumira sa nasabing bansa at magtrabaho. Ilan sa mga Pinoy celebrities na pinagkalooban ng ganitong pribelehiyo ay sina April Boy Regino at Jessa Zaragoza.



Ayon pa kay Daddy Jun, naging madali ang kanilang pag-a-apply para sa nasabing papeles sa tulong ng kanilang abogado.



"Sobrang mabilis ang naging proseso sa pag-approve ng aming request sa US Embassy dahil base sa record, napatunayan na isang mabuting mamamayan ang aking anak. And in fact, napatunayan ito dahil nakapagbayad ng buwis ang aking anak sa Amerika mula sa kanyang kita sa mga show doon.



"Kung ang iba ay nahihirapan sa pag-a-apply ay iba ang kay Jolina dahil tatlong buwan lang ito tumakbo. Mula January hanggang March 2007 lang ang aming ipinaghintay at approved kaagad," masayang pagbabalita ni Daddy Jun.

Kasama si Jolina sa horror film ng GMA Films na Ouija, at kasama niya rito sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, at Rhian Ramos. Dalawa ang regular shows ni Jolina sa GMA-7, ang SOP at Unang Hirit. Mayroon din siyang public-affairs program sa QTV 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN