Ciara Sotto living independently in Las Vegas

IMAGE 0


"At first, parang nakakapanibago talaga. Ginagawa ko talaga lahat dito ang mga hindi ko nagawa noong nasa Pilipinas ako. Ako lahat ‘yung naglilinis ng room ko, naglilinis ng CR. Ako rin ‘yung naglalaba, nagluluto, lahat!" narrates Ciara Sotto about her life in Las Vegas.



Halos four months na si Ciara Sotto sa Las Vegas, Nevada, para bigyang-daan ang isang pambihirang pagkakataon na makapag-perform sa isa sa mga bagong tayong theater-restaurant doon. Bumalik na ng Pilipinas ang mommy niya, si Helen Gamboa; sinamahan siya ni Helen noong mga unang buwan niya sa Las Vegas.



Now, Ciara is living on her own. Bagama't naninibago at nami-miss na raw niya ang Pilipinas, pamilya, at mga kaibigan, ibang experience naman daw for her ang mamuhay mag-isa, lalo na sa ibang bansa.



"At first, parang nakakapanibago talaga," pagkukuwento ni Ciara nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ginagawa ko talaga lahat dito ang mga hindi ko nagawa noong nasa Pilipinas ako. Ako lahat ‘yung naglilinis ng room ko, naglilinis ng CR. Ako rin ‘yung naglalaba, nagluluto, lahat!



"Pero noong una, nung kailangan kong ayusin ang mga gamit ko, like all my shoes, tinulungan na nila ko dahil parang naaawa yata sila sa akin... hindi ko talaga maayos. Once I touch it, the more na nagiging mess!" tawa niya.

"Pero now, I'm okay na, nakaka-adjust na ko at nae-enjoy ko na rin ang ginagawa ko. Kasi I'm learning and, at the same time, I get to experience ‘yung maging independent talaga, which I feel, dito ko lang din naman magagawa."



Noong una raw, she was living sa house ng isa niyang tita sa Las Vegas, pero ngayon daw ay nag-a-apartment na siya, kasama sina Rizza Navales at Karlyn Bayot. ‘Yung dalawa raw ay magkasama sa isang room, while solo naman daw na room ang kinuha niya.



Ikinuwento rin ni Ciara na malamang sa September na raw sila magsisimulang mag-perform. Sa ngayon daw kasi ay puro rehearsals talaga ang ginagawa nila. Pero ang maganda naman daw, kahit nasa rehearsal stage pa lang sila, they are already paid for that.



And most likely, by September na rin daw babalik ang mommy niya sa Las Vegas, in time na rin sa opening nila para bisitahin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, Ciara celebrated her birthday last July 2. Kahit nasa Las Vegas siya, hindi ito naging hadlang para makapag-celebrate siya ng birthday with her non-showbiz boyfriend, Jojo Oconer.



Jojo flew all the way from the Philippines to Las Vegas to surprise Ciara on her birthday. Kuwento ni Ciara, malungkot lang daw siya dahil sandali lang ang inilagi ng boyfriend niya sa Las Vegas. Four days lang daw ito roon dahil marami ring iniwang trabaho dito sa Pilipinas.



"We went out. ‘Yung mismong araw lang ng birthday ko, ang dami naming nagawa at napuntahan. We went to the mountains, we had dinner, and he brought me to Gwen Stefani's concert! Iyon ang sobrang nakapagpaiyak sa akin!



"I was always a fan of Gwen. Tapos, ‘yung seat pa namin sa Garden Arena of MGM kung saan nag-concert si Gwen, ang lapit namin sa kanya. At ‘yung nakapagpaiyak sa akin, when Gwen sang the song, "The Real Thing." Iyon kasi ang theme song naming dalawa," kuwento niya.



Natawa lang si Ciara nang itanong sa kanya ng PEP kung hindi ba siya nagwo-worry na baka after the pregnancy issue, mabalita naman siyang nagpakasal sa Las Vegas dahil sa pagpunta roon ng boyfriend niya.



"Hindi na ko magtataka!" natatawa ngang sabi ni Ciara. "Wala, walang ganoon. Four days nga lang siya rito. At saka hindi nga nag-propose! I'm waiting for that pa naman!" biro niya. "Pero hindi... kung sakali man, hindi pa mangyayari ‘yon ngayong taong ito. Although, ako, parang kung sakali, parang gusto ko na nga rin na dito na sa Las Vegas magpakasal. ‘Yung simpleng Christian wedding."



Naniniwala si Ciara na ang current boyfriend niya ang talagang makatuluyan at mapangasawa niya. Bukod sa mature ay responsible Christian din si Jojo, tulad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN