Raymart Santiago designs his coming baby's room

IMAGE 0


Action star Raymart Santiago proudly shows to GMA News and PEP the room of his' and wife Claudine Barretto's incoming baby, Santino. Raymart and wood artist Agi Pagkatipunan collaborated with the design of the baby's room.More photos.



Esklusibo ang imbitasyon ni Raymart Santiago sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) para masulyapan ang bagong gawang nursery para sa paparating na anak nila ng asawang si Claudine Barretto na si Rodrigo Santino Barretto Santiago.

Dating guest room sa second floor ng kanilang tahanan ang magiging kuwarto ni Santino. Natatanaw mula rito ang Marikina River.

Red, black, and white ang kulay ng kuwarto ni Santino. Ito raw ang napili nina Raymart at Claudine para ma-appreciate ng bagong baby.



"First colors na nakikita ng bata ay red, black, and white, so ‘yon ang colors namin ngayon," ani Raymart.

Dalawang linggo ginawa ang baby room. Ang mga muwebles na yari sa narra ay pawang mga masterpieces ng wood artist na si Agi Pagkatipunan at dinisenyo mismo ni Raymart.

Ayon kay Agi, metikuloso raw si Raymart at naging malaking challenge para sa kanya ang mga disenyo ng aktor. Tulad na lang ng crib ni Santino, convertible daw ito—puwedeng rocker at puwede ring naka-steady; may iikutin lang na kahoy sa paanan ng kuna. Lahat daw ng furniture ay hindi gumamit ng mga mekanismong gawa sa metal kaya talagang mga functional wood art ang mga ito.

"Gusto ko 'yung gamit niya [Santino], maibibigay niya sa anak niya, kumbaga heirloom," pagmamalaki ni Raymart.

Dahil gawa raw ang mga muwebles sa magandang kahoy, maaari raw magtagal ang mga ito sa maraming henerasyon.

"Nakikita ko sa kanya ang pagka-excited bilang tatay. Ako din kasi tatay. Lumalagay ako dun sa kalagayan niya na gusto ko ‘yung maganda para sa anak ko," kuwento ni Agi tungkol sa mga masterpiece nila ni Raymart.

Maging ang changing table kung saan papalitan ng lampin si Santino ay detalyado rin. May bean-shaped hallow ito sa ibabaw, isang konsepto na nakita ni Raymart nang magsu-shooting siya ng pelikulang Mumbaki sa Mountain Province. May gamit daw na silya ang mga taga-Norte kung saan puwedeng ilapag na ligtas ang isang sanggol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nag-uusap kami ni Agi, sabi ko ‘yung changing table ni Santino, gusto ko may hukay para pag umikot, hindi mahuhulog," paliwanag ni Raymart.

Malapit nang manganak si Claudine.

Sa usapan namin ni Raymart, magkahalong excitement at takot ang nararamdaman niya ngayon. Si Santino ang unang anak nila ni Claudine, although may adopted daughter sila, si Sabina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN