Angelica Panganiban talks about kisses and a fire

IMAGE 0


Although Angelica Panganiban has been going out with Derek Ramsey (inset) for quite some time now, she has yet to meet the actor-model's parents. "Kakauwi lang kasi ng parents niya galing England, e," says the young actress.



Nalulula pa rin si Angelica Panganiban sa tuwing maiisip niya na isang Aga Muhlach na ang katambal niya sa latest movie niya sa Star Cinema with Maricel Soriano titled A Love Story, sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes. Dito ay may mga mapangahas at seksing eksena si Angelica with Aga.



Hindi tuloy naiwasang pagkumparahin kay Angelica ang halik ni Aga sa pelikula at sa halik ng nababalitang real-life boyfriend niya na si Derek Ramsey.



"Ano ba? Hindi ko alam! Okay, si Aga, trabaho. Si Derek, personal!" natatawa niyang sabi sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng A Love Story last July 18, sa ABS-CBN.

Ano ang pagkakaiba ng lasa ng halik na pampersonal at sa trabaho?



"E, siympre 'pag personal, personal na!" tawa niya. "Hindi ko alam. Wala namang lasa."

Habang nasa presscon si Angelica ay panay naman ang tawagan nila ni Derek. Nag-a-update daw kasi si Angelica sa kalagayan ng kasintahan dahil kahapon ng umaga ay nabalitang nasunog ang building ng opisina ng parents ni Derek sa Makati.



"Actually, hindi ko kasi alam 'yung buong pangyayari, e," sabi ni Angelica. "Kasi kahapon lang ng umaga nangyari. So, may taping pa ako kaya over the phone lang kami nakakapag-usap."



Ano ang naikuwento ni Derek sa kanya tungkol sa insidente?



"Nagkaproblema yata yung building. E, nandun 'yung office ng parents ni Derek. Parang security something daw. Nasunog lahat ng ano nila... I think worth P50 million 'yung nawala sa kanila," kuwento ng young actress.



Kumusta naman si Derek?



"Alam ko na-offend siya sa... kasi lumabas yata sa news na sila 'yung may kasalanan kung ba't nasunog 'yung building," sabi ni Angelica.

"Na-hurt lang siya ng konti na parang hindi muna inaalam talaga. Hindi pa nga naiimbestigahan, parang nagdya-judge na agad 'yung mga tao. O nilabas agad sa news na ganun ang nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi pa raw sila nagkikita ni Derek after the incident dahil sunud-sunod ang commitments ni Angelica.



"Ang alam ko, magpapa-interview yata siya para doon. Kasi hindi ko rin naman alam ‘yung buong kuwento. Mas alam niya 'yung nangyari."



Anong support ang ibinibigay niya kay Derek ngayon?



"Wala naman. Sinasabi ko lang sa kanya, huwag siyang ma-stress masyado sa nangyari," sagot niya.



Naipakilala na ba siya ni Derek sa parents niya?



"Hindi pa, kakauwi lang kasi ng parents niya galing England, e."



Nae-excite ba siya na ipakilala ni Derek sa parents niya?



"Siyempre, malaking bagay 'yon sa akin, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN