Sharon Cuneta denies weight problem delays Chito Rono movie

IMAGE 0


Sharon Cuneta attributes the delay in the shooting of her movie under Chito Roño's direction to a conflict of schedules. The project does not require her to look sexy, she says.



Naghahanda na ang Megastar na si Sharon Cuneta para sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema, tentatively titled London Caregiver. Magsisimula ang shooting ni Sharon on September 11.

Naurong nang naurong ang shooting ng movie dahil sa ilang dahilan. Hanggang sa may mga naglabasan pang intriga na baka tuluyan nang i-shelve ang movie na ididirek ni Chito Roño.



Unang requirement daw kasi ni Direk Chito kay Sharon ang magpapayat. Naghintay raw si Direk Chito na pumayat siya hanggang sa kailangan nang magsimula ng direktor ng bago niyang project sa ABS-CBN.



Last month, nagkaroon diumano ng pag-uusap sa pagitan ng Star Cinema at sa Megastar. Dito nag-commit daw si Sharon sa Star Cinema na magpapapayat siya bago mag-start ang shooting nila.



"Actually, hindi naman," paglilinaw ni Sharon. "Na-delay ako dahil marami pang ibang proyekto rin, well, lahat kami. So, ‘yung schedule nila, nag-meet. 'Tsaka ito ‘yung movie na parang hindi naman kailangan sexy ka. Pero, di ba, ginawa ko na ‘yan twice na?



"When it started, I was really heavy. Pag nagtatrabaho na kasi, doon ako mas ganado magpapayat. That was 2003 because I was doing three movies: Crying Ladies, Walang Kapalit, at Kung Ako Na Lang Sana.



"First time ko with Aga [sa Kung Ako Na Lang Sana]... Di bale kay Richard [Gomez, in Walang Kapalit], nadadaya pa dahil matangkad si Richard, at maitim, na malaking ganyan. E, si Aga, sabi ko, ‘Diyos ko po! Baka magmukha kaming mag-tiyahin.' So, I'm more concerned about that, so meron ako laging focus," paliwanag niya.



"Now, I have this set date, which is September 11. Dito muna kami sa Pilipinas. Tapos nu'n, September 20 or something, I'll be leaving for Canada for two weekends lang, I think, for three or four shows, full-length concerts. Then, I have to fly back immediately. Shoot na naman. And then, October lipad na kami ng Europe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, from London, ang balita ko, dadaan pa kami ng France for some scenes also. Tapos balik-Pilipinas. Magpa-Pasko na noon, birthday ni Frankie before that. Tapos, birthday show ko sa January, tuluy-tuloy na ‘yon. Patay na! Because apart from this, may isa pa akong project with Star. Actually, dalawa pa with them, na hindi naman necessary na magkasunod. Tapos dalawa ang alam ko with GMA Films.

"Pero, you know, pag sinabi mong ganun, that will really depend kung sino ang mauunang magbigay ng magandang istorya. ‘Yung available na makakasama, ‘yung mga artista," paliwanag ni Sharon.



Totoo ba na nag-commit siya sa Star Cinema na ang first movie niya after a long time ay gagawin niya sa nabanggit na film outfit?



"Yes, I think when you said that, it's with the understanding na if they were able to deliver. If you were able to deliver a project to an actress, my priority will be Star, but obviously after more than a year or two years, kapag wala pang proyekto na maganda, understandable naman that you have given enough time already.



"That's enough respect na you also naman deserve to move on. E, hindi rin naman handa ‘yung GMA at nagkataon na ang ganda-ganda na ng script namin sa Star Cinema. You know, like Madrasta and Minsan Minahal Kita. That went to several revisions, six to nine. Ganun ang Star."



Malinaw na hindi lang dahil sa mataba si Megastar kaya nagkaroon ng delay ang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema?



"Hindi, kasi pumayat na ako ng malaki," ani Sharon. "Mga sixty [lbs.] na. In fact, just before, I was supposed to do a movie with Aga, di ba? I really got down to—konti na lang—mga ten to go na lang tapos na. Tapos na-depress ako nung na-cancel ‘yon.

"Kasi the movie, the project, ‘yung istorya, it had to be something na sure kaming isu-surpass ‘yung Kung Ako Na Lang Sana. That was really a big hit and a beautiful story. Sabi ko, bakit hindi na lang ulit si Direk Joey [Reyes] ang magsulat? So, sana ganun. And then now, I have a little na lang to go. Then, I know na by September 11, I'll be ready," huling pahayag ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN