Ogie Alcasid to press: Enough of questions about open relationship with Regine

IMAGE 0


"Since out in the open na ang relationship namin, let's talk naman of something else. Pagpahingahin n'yo naman kami sa topic na ‘yan. Sa totoo lang, ito ang intrigang hindi ko masyadong kinakaya. Para tuloy akong newcomer sa showbiz!" jokes Ogie Alcasid when asked about his relationship with Regine Velasquez.



Dumating na sa Pilipinas ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez mula sa concerts niya sa Australia and London. First public appearance niya after her return ang celebrity premiere night ng horror film ng GMA Films na Ouija kagabi, July 19, sa Greenbelt 3, Makati.

Kasama niya ang boyfriend niyang si Ogie Alcasid, na dumating din two weeks ago mula sa halos isang buwan niyang concert tour sa US at Canada. Ito ang first public apperance nila as a couple dito sa Pilipinas.

Hindi na nakaiwas sina Ogie at Regine sa mga sumalubong sa kanilang mga TV crew at entertainment press sa celebrity screening ng Ouija. Sabi ni Ogie na maayos naman daw ang lahat para sa kanila ni Regine. Wish nga raw nila ay iba naman ang pag-usapan sa kanila.



"Minsan kasi nakakasawa na. Iba naman ang pag-usapan natin," pakiusap ni Ogie sa press.



"Sana nga, since out in the open na ang relationship namin, let's talk naman of something else. Pagpahingahin n'yo naman kami sa topic na ‘yan. Sa totoo lang, ito ang intrigang hindi ko masyadong kinakaya. Para tuloy akong newcomer sa showbiz!" tawa pa ng singer-songwriter.



Samantala, kinumpirma ni Ogie na tuloy ang pelikulang gagawin nila ni Regine for GMA Films. Naisulat kasi noon na shelved na ang naturang project na pagsasamahan nila.



"Tuloy na tuloy ‘yon," paniniguro niya. "Inaayos lang namin ang schedule naming dalawa. Baka by October na kami mag-shoot, at ang alam namin ay si Direk Dominic Zapata ang magdidirek ng movie namin ni Regine."



Dagdag ni Regine, ang kuwento raw ng kanilang pelikula ay magpapakita ng husay sa pag-arte ni Ogie. Kung noon daw ay sa comedy films lang kilala si Ogie, dito raw sa pelikula nila ay makikitaan siya ng husay sa drama.



"Actually, light drama lang ang movie namin but it will bring out the actor in Ogie," nakangiting sabi ni Regine. "Hindi lang basta acting ito, as in makikita nila na mahusay na dramatic actor si Ogie. The project is good and we want people to watch out for it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Since nanggaling nga sa Australia si Regine, natanong na rin siya kung nagkaroon ng pagkakataon na magkausap sila ni Michelle Van Eimeren, ang ex-wife ni Ogie.



"I did not get a chance na makausap si Michelle," sabi ni Regine. "'Yung father niya na si Martin [Van Eimeren] ang nakausap ko over the phone. I invited them to watch my show if they have the time. They will try naman daw. Unfortunately, hindi sila nakarating. Okay lang ‘yon dahil alam ko na busy silang lahat.



"Tsaka twice na rin naman akong nakapunta doon at nagkausap na kami ni Michelle noon pa. So, it's no longer new na kailangang mag-usap kami. Hindi lang namin pinaalam ‘yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN