Judy Ann Santos talks about Angel Locsin and Jolina Magdangal

IMAGE 0


Judy Ann Santos give her comments about Angel Locsin's (inset, below) rumored transfer to ABS-CBN and her friendship with Ouija co-star Jolina Magdangal (inset, above).



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Judy Ann Santos ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa maugong na balitang paglipat diumano ni Angel Locsin sa ABS-CBN mula sa GMA-7. Si Judy Ann ang isa sa top stars ng Kapamilya Network at si Angel naman ang top female star ng Kapuso Network.

"Well, welcome naman siya sa ABS, e," sabi ni Juday. "Kung lilipat siya sa ABS, I guess wala akong nakikitang masama kung halimbawang tapos na naman ang kontrata niya sa GMA at gusto niyang maka-experience ng bagong mother studio.

"I mean, as long you won't burn bridges kung lilipat ka. Iyon lang naman ang importante. Magpaalam ka nang maayos kung lilipat ka. Kung gusto mong makakita or maka-experience ng ibang mga taong makakatrabaho, go!

"Basta never burn bridges, that's bad, you know!" natatawang sabi pa ni Juday.

As for Judy Ann, kahit na identified siya sa ABS-CBN ay very visible siya ngayon sa GMA-7 dahil sa promotion ng horror film na Ouija, na iprinodyus ng film arm ng Kapuso Network na GMA Films, in co-production with Viva Films.

Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung totoo ngang lilipat si Angel sa ABS-CBN. Kasalukuyang nasa London ang young actress para sa kanyang crash course in fashion designing.

JOLINA MAGDANGAL. Napag-usapan din namin ni Juday ang tungkol sa friendship nila ni Jolina Magdangal, na for the first time ay nakasama niya sa isang full-length movie, ang Ouija.

"One of a kind!" bulalas niya. "Ako, napakarami kong kaibigan sa industriyang ito. Pero kokonti lang ‘yung kaibigan kong artista na hindi showbiz."

Ang ilan sa mga binanggit ni Juday na mga close friends niya—bukod kay Jolina—ay sina Beth Tamayo, Mylene Dizon, Gladys Reyes, at ang Megastar na si Sharon Cuneta.

"Mabibilang mo sa daliri mo, na ito lang ‘yung mga kaibigang nag-aartista, pero hindi ka tinuturing na artista. Kasi lahat kayo totoo, walang pretensions. Lahat, masaya lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano namang ugali ni Jolina ang pinakagusto ni Juday?

"‘Yung pagiging bubbly niya," sagot niya. "Di ba, obvious naman na sa lahat ng sabihin niya, matatawa ka. Napakagaan niyang kasama at saka kapag malungkot ka, nararamdaman niya. Pag malungkot siya, nararamdaman ko siya.

"Napaka-honest niya sa lahat ng aspeto ng buhay, napaka-fragile niyang kaibigan, e. Kumbaga, hindi siguro alam ng maraming tao na si Jolina, napaka-sensitibo niyang tao. Na sa sobrang pagka-sensitibo niyang tao, gugustuhin mo siyang makasama. 'Yung pagiging magkaibigan ninyo na panghabambuhay. Kasi hindi ka niya paplastikin. Kami ni Jolina, sa umpisa pa lang, alam na namin, magkakasundo kami."

Nakakagulat na ni minsan ay wala silang pinagkagalitan or pinagkatampuhan. Ito ay sa kabila ng pagtatapat sa kanila noon ng mga fans.

"Wala, wala talaga! Sa lahat ng bagay, magkakasundo kami. For some reason, hindi talaga kami nagkaroon ng samaan ng loob or ng tampuhan, at ayoko namang mangyari ‘yon. Masyado na tayong matatanda para magkaroon ng ganun, huwag na," sabi ni Juday.

Paano nakaapekto si Jolina sa buhay niya or ano ang naging influence nito kay Juday bilang kaibigan?

"Siguro ‘yung pagtanggap niya sa problema na magaan lang," sagot ni Juday. "‘Yung magaan lang ang dating niya sa problema, na ‘Kung anuman ang darating sa akin, malalampasan ko ‘yan, tatawanan ko yan.' ‘Yung ganun lang siya.

"Kasi ako dati, kapag nagkakaroon ako ng problema, or may isyu, alam ninyo, magmumukmok ako, didibdibin ko. May ganun din naman siyang factor, siguro magkaiba lang kami ng paraan kung paano mag-handle ng mga isyung dumarating sa buhay namin.

"Pero mas gusto ko ‘yung pagha-handle niya, kasi siya, dinadaan lang niya sa tawa. Hindi ko lang alam kung umiiyak siya after niyang tumawa. Pero ako kasi, dinadaan ko sa iyak nung bata-bata pa ako, idadaan ko sa iyak, dinadaan ko sa ganyan. Pero I've learned my lesson already. Parang sa akin, intriga lang ‘yan," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RELATIONSHIP WITH THE PRESS. Nagbigay rin si Judy Ann ng pahayag tungkol sa relasyon niya sa entertainment press.

"Siguro, ngayon kasi, mas marami na akong media na kakilala, na ka-close. Kidding aside, hindi sa nagpapalakas ako ngayon, I always look forward to a press conference. Unlike before na natatakot akong pumunta sa presscon. Kasi nga, I know now na kabiruan ko na ang mga tao, katsikahan ko na sila, ‘yung alam kong napuprotektahan ako kahit papaano."

Isa raw sa malaking aspeto kaya naging malaki ang tiwala ni Judy Ann sa kanyang sarili ay ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillo.

"Isa pa ‘yun, mas sobra akong naging confident, na lahat ng gusto kong sabihin, sinasabi ko na lang. Parang feeling ko, tapos na ako sa phase ng buhay ko na nag-iingat ako kasi baka may taong hindi makaintindi sa sasabihin ko, nag-iingat ako na baka may masaktan. Parang ang dating sa akin, palagi na lang akong nag-iingat.

"Sana naman, sa mga sinasabi ko or sasabihin ko ngayon, intindihin naman nila ako. Kasi all my life, nag-iingat na ako, e. Itong mga taong ito, hindi naman sila nag-iingat na masasktan nila ako. So sasabihin ko na lang ‘yung gusto kong sabihin, di ba? Masaya pa ako," aniya bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN