Comedienne Pokwang annoyed by claim that she had one-night fling in Spain

IMAGE 0


"Kung si Papa Piolo [Pascual] o si Sam [Milby] pa ‘yan, baka ako pa ang magsustento. Hahaha! Pero kung sino ‘yan na never kong narinig o nakilala ang pangalan, hello?" says Pokwang about a Spanish guy claiming that he had one-night stand with her.



Very humble ang comedienne na si Pokwang tuwing babatiin siya tungkol sa bagong estado ng buhay niya. Sinasabi kasing mayaman na siya, malayung-malayo sa dati niyang buhay.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Pokwang sa ABS-CBN compound last Thursday, July 19, inamin niya na ipinapatayo na niya ang bahay niya sa Maia Alta sa Antipolo, Rizal. Multi-million ba ang halaga ng kanyang ipinapagawang bahay?



"Hindi naman," sabi niya. "Basta kumpleto naman ang bahay, may bubong, may mga bintana at mga pintuan, at may mga kuwarto."

Pagdating naman sa kanyang acting career ay tila blessed din si Pokwang. Sa ginagawa niyang pelikula ngayon, ang 4-in-1, ay kasama niya ang ilan sa pinakamahusay na comedienne sa bansa—sina Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo, at Candy Pangilinan.

Saang level kaya ilalagay ni Pokwang ang kanyang sarili sa hanay ng mga kasama niya sa pelikula, na masasabing beterana at hasang-hasa na kung komedi rin lang ang pag-uusapan?



"Lagi ko namang sinasabing malayo pa ang lalakbayin ko," sabi niya. "Mahirap silang mapantayan dahil nandun na sila. Pero ako, magsisikap para maging mahusay din at gaya nga ngayon, hindi naman nakakahiyang makisama sa kanila at tingnan ng mga tao na bida na rin. Hindi ko inilalagay sa ulo ko ‘yon.

"Ako naman po, e, nagsisikap lang para sa aking pamliya. Gaya ng pangarap ko noon pa na maiangat sila sa mahirap naman talaga naming kalagayan. Na kahit patang-pata na ang katawan ko sa kahahanap-buhay, ang tinamasa ko ngayon sa pinasok ko sa showbiz, e, hindi mapapantayan. Kaya bakit ko sisirain ang sarili ko sa pagpapakita ng pangit na ugali o kagaspangan, lalo na sa mga kasama ko?"



Sa mga intriga naman sa kanya, hindi rin pahuhuli si Pokwang. Bukod sa naiintriga siya sa mga nakakasama niya, ngayon naman ay may isang nagke-claim na naka-one night stand niya diumano ang komedyana sa Barcelona, Spain. Kasama ang komedyana noon sa tropang gumawa ng series nina Toni Gonzaga at Luis Manzano para sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



A certain Rossano Martin daw na isang singer from Barcelona ang uuwi sa bansa para sundan siya. In fact, nagpa-presscon na nga ang PR-manager nito, na ikinagulat ng mga um-attend dahil wala pa pala rito ang kanilang kakausapin. Totoo nga bang may namagitan sa kanila ng Rossanong ito?



"Sino ‘yon?" balik-tanong ni Pokawang. "Tigilan nga nila ako ng mga ganyan-ganyan, ha! Wala akong maalalang nakilala kong Rossano nung mag-taping kami nina Toni in Barcelona."



Ayon sa claim ni Rossano, sa isang bar daw sila nagkita at nagkakilala.



"Alam ko sa ilang eksena sa taping namin, merong mga nasa bar kami. Pero wala akong maalalang nakatsikahan kong ganyan ang name. Kung nakatsikahan ko siya, e, di sana tuluy-tuloy ang communication namin dahil, for sure, nagkapalitan na kami ng mga phone numbers, email, o kahit na ano pa," paliwanag niya.



One-night stand ang ipina-press release ni Rossano. Parang pinapalabas that Pokwang will go to bed with any man she meets and in this case, sa foreign land pa.



"O sige, kung merong bumongkang sa akin doon, itsitsika ko sa inyo. E, wala naman. Kung meron sana, e, di laking tuwa ko na. Lalo na kung Afam [foreigner] pa ‘yan."



Si Toni pa raw ang itinuturong witness ni Rossano sa namagitan sa kanila ni Pokwang.



"Huwag nga silang nanggagamit ng mga tao, ‘no! At nagnene-name drop pa sila! Kung keblagera akesh, tsika ‘yang mga genesh, e, wichikikay [wala] namang keblags [sex]!" pabakla niyang sabi.



Happy raw sa career niya si Pokwang kaya naiirita siya sa mga ganitong klaseng balita o isyu na idinidikit sa kanya.



"Parang gustong palabasin kasing pokpok ako, e," sabi niya. "Oo, nagtrabaho ako abroad pero hindi nga ako keblagera. Kung si Papa Piolo [Pascual] o si Sam [Milby] pa ‘yan, baka ako pa ang magsustento. Hahaha! Pero kung sino ‘yan na never kong narinig o nakilala ang pangalan, hello?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Natutuwa nga ako ngayon na I am blessed. I'm with At Home Ka Dito. Tapos kasama ako sa bagong comedy show ng ABS-CBN, sa That's my Dok! with Aga [Muhlach], Roderik [Paulate], Tita Nova [Villa]. And sa August 17, 18, and 19, pupunta kami sa US, sa New Jersey, nina Papa Piolo and Miss Pops Fernandez para sa ilang shows. Tapos, ito ngang movie na 4-in-1, tinatapos na namin."



May mga komedyanang maganda, meron ding hindi kagandahan. May mga komedyanang sexy at meron din namang hindi masyado. Sumagi na ba sa isip ni Pokwang sumailalim sa plastic surgery?



"Naku, gusto kong i-try pero natakot ako!" sabi niya. "Kasi ba naman, sabi nung doktor ko, mamili raw ako kung saan idadaan ‘yung ipalalagay kong boobs sa katawan ko. Idadaan daw ba sa mata ko o sa kuko ko? O, di ba? Pag sa mata at tumigil sa pisngi ko, beke ang labas. Kung bumaba-baba pa, bosyo na. Kaya, huwag na lang!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN