Jason Abalos romantically linked to daughter of Johnny Delgado and Laurice Guillen

IMAGE 0


Rumor has it that young actor Jason Abalos is playing sweet music with Ina Feleo, his leading lady in the indie film Endo, beyond the camera.



Nakarating sa kaalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang young actor na si Jason Abalos—produkto ng Star Circle Quest ng ABS-CBN—ay kasalukuyang nali-link sa anak ng mag-asawang Johnny Delgado at Laurice Guillen na si Ina Feleo.



Ayon sa balita, girlfriend na diumano ni Jason si Ina. Meron rin namang nagsasabing nanliligaw pa lang ang newcomer sa dalagang anak ng veteran actor at ng director-actress.



Nagkasama sina Jason at Ina sa indie film na Endo (short for "end of contract") na kasalukuyang itinatanghal sa Cinemalaya 2007 sa CCP sa Roxas Boulevard, Manila.



Sinabi ng aming source, na malapit kina Jason at Ina, na two months nang mag-on ang dalawa. Wala naman daw tutol sa parehong side nina Jason at Ina.



"Mabait, edukada, maganda, at may British accent 'yang si Ina," lahad ng source namin. "Para siyang younger version ni Barbara Perez."



Ang mentor ni Jason na si Tom Adrales—na siyang nagdala sa bagets sa Star Circle Quest after nitong manalo sa Circle of 10 Image Model Search 2004—ay walang tutol kay Ina. Nakasama pa nga ni Tom sa PETA noong ‘70s si Laurice; si Laurice bilang stage actress at sa production naman si Tom.



Isa sa first films ni Laurice noong dalaga pa ito, ang Kasal (kung saan kasama nito sina Hilda Koronel at Christopher de Leon) ay iprinodyus ng Agrix Films, na creative director naman si Tom.



"Ang nakakatuwa niyan, after so many years, ang anak nina Laurice at Johnny at ang anak-anakan naman ni Tom ang nagkaka-inlaban ngayon," sabi ng aming kausap.



Tinext ng PEP si Jason to clarify this issue. At press time ay hindi pa ito nakakapag-reply. Hihingan sana namin siya ng reaksiyon kung totoong nagpupunta twice a week si Ina sa bahay nito sa Project 8, Quezon City.



Incidentally, kasalukuyang nagte-taping na si Jason ng Ysabella ni Judy Ann Santos, at papasok ang kanyang character dito kapag yumaman na si Juday sa kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Huling lumabas si Jason sa seryeng Vietnam Rose ng Dos bilang love interest ni Angelica Panganiban. Napanood rin siya sa teen movie na First Day High with Gabby Eigenmann, Kim Chiu, Gerald Anderson, and Maja Salvador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN