Katya Santos: "I'm done doing bold movies."

IMAGE 0


"Hindi ako bumabata and halos lahat naman yata ay nakita na ang buong katawan ko na hubo't hubad. Ano pa ba ang gusto nilang makita sa akin? Mga balun-balunan ko?" laughs Katya Santos.



Sa pagpirma ulit ni Katya Santos ng bagong kontrata sa Viva Artist Agency (VVAA), hindi na raw kasama rito ang paggawa niya ng sexy movies at mga sexy videos.



Para kay Katya, tapos na raw siya sa stage na ‘yon at hanggang sa pictorials na lang daw siya magpapa-sexy. Pagdating daw sa pelikula ay gusto niya na mga serious roles na ang ibigay sa kanya.



"Hindi ako bumabata and halos lahat naman yata ay nakita na ang buong katawan ko na hubo't hubad. Ano pa ba ang gusto nilang makita sa akin? Mga balun-balunan ko?" malakas na tawa ni Katya.



"Nasabi ko naman ito sa mga taga-Viva na I'm done doing bold movies. Kahit na mauso na naman siya, ayoko nang gawin. May mga mas bata na diyan na handang gawin ang mga nagawa ko na. Ipinauubaya ko na ‘yon sa kanila."

Ang huling sexy movie na ginawa ni Katya ay ang Boso (2005) ng Viva Films.



Habang naghihintay ng mga projects niya sa Viva si Katya, ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon ay ang kanyang pizza parlor business, kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend named Paolo. Nag-franchise si Katya ng Woodbridge Pizza; sa Kamagong Street, Makati City, ang kanyang branch.



Nagustuhan ni Katya ang lasa ng naturang pizza nang matikman niya ito sa Boracay. Nagtanung-tanong daw siya regarding sa franchise at nakakuha nga siya sa halagang P75,000 lamang.



"Ang maganda ay ‘yung location, ikaw na ang bahalang maghanap. Mas maganda kasi sa lugar na maraming tao parati. Like sa napili kong lugar, may call center, may school, may simbahan, at may mga offices. Kapag wala akong raket, nandoon lang ako to supervise," sabi ni Katya.



Nahilig sa food business itong si Katya. Meron din nga siyang Mini Stop outlet na unang naging investment niya ng kanyang mga kinikita.



"Wala ka kasing lugi sa food business," aniya. "Ako pa naman, ang hilig kong kumain kaya aminadong tabain ako. But now, I'm trying to lose weight kasi magsisimula na akong mag-record ng first CD ko. May mga gagawin kasi kaming mga music videos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang pagiging singer naman ang puntirya ni Katya. R&B at pop songs ang magiging concept ng first CD niya. Tuwing may out-of-town shows nga ang Viva Hot Babes, isa si Katya sa parating kumakanta at maganda naman daw ang feedback ng audience sa kanya.



"Bale experimental muna ito kung puwede na akong maging singer talaga. Ibang course of career naman ito at very supportive ang Viva sa gusto kong ito. I hope and pray na maging successful din ako sa pagpasok ko sa bagong career na ito," asam ni Katya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN