Baron Geisler's facial scars removed by plastic surgery

IMAGE 0


Young actor Baron Geisler had his scars on the face removed by plastic surgery last July 17. Baron got the scars from a bar fight in Pampanga a couple of months ago.



Lumabas kamakailan dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang plano ni Baron Geisler na magpa-plastic surgery ng kanyang mukha. Ito ay dahil nagkaroon siya ng peklat sa mukha pagkatapos ng gulong kinasangkutan niya sa Pampanga ilang buwan na ang nakalipas.

Nakapagpatingin na si Baron kay Dr. Jesus "Jay" Recasate Jr. ng Faces & Curves Clinic, na inirekomenda sa kanya ng handler niyang si Neneth sa ABS-CBN Star Magic.

Nabuhayan ng loob si Baron nang malaman niya na puwede pang maayos ang kanyang mukha. Nagkaroon din siya agad ng schedule for operation next month.

Sa burol ng ama ni Cristy Fermin noong Lunes, July 16, ibinalita sa amin ni Neneth na biglang nagbago ang scheduled operation. Magpapaopera na raw ang kanyang alaga kinabukasan, July 17, sa clinic ni Dr. Reacasate sa Annapolis, Greenhills at 4 p.m.



Gusto na raw kasi ni Baron na ipatanggal na ang naglalakinghang peklat sa mukha niya bago ang grand ball para sa 15th anniversary ng Star Magic.



Past four in the afternoon, dumating kami kasama ang crew ng The Buzzsa clinic ni Dr. Recasate na kasalukuyang may operasyon. We waited until dumating si Baron before 5 p.m. Nakangiti si Baron pero inamin niya na kinakabahan siya.



Tinanggal ang peklat sa mukha ni Baron at saka tinahi ulit. This time, pinung-pino na ang sinulid na ginamit sa kanyang mukha. In less than two hours, natapos ang operasyon. May nakuhang apat na bubog, na hindi natanggal noong una siyang tahiin, sa loob ng mukha niya .



After the operation, walang naramdaman si Baron at mas lumutang ang matamis na ngiti sa mukha niya. More or less two months ang bibilangin para tuluyang umimpis ang mukha ni Baron at magiging very minimal na ang makikitang peklat sa mukha niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN